Matapos ang maranasan ang bakbakan sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10), pinangalanan ni Allen “Baloyskie” Baloy ang pinakamagagaling na roamer sa naturang liga.
Sa isang episode ng EmpeTalk kasama si Jonathan Liandi, binanggit ng Pinoy roamer na naglalaro para sa Geek Fam ID kung sino ang mga Indonesian player na nangibabaw pagdating sa mechanical at macro skills.
“Maybe in terms of mechanics it’s Kiboy, but in terms of game macros it’s Vyn. But overall, the players that amaze me the most are Widjanarko and KYY,” ani Baloy.
“They are both the best roamers in positions 1 and 2 in my opinion. Although I have a lot of respect for Kiboy and Vyn, but they (Widjanarko and KYY) are great,” dagdag niya.
- Ito ang hybrid build sa Bruno ayon kay Geek Fam Caderaa
- 3 rason kung bakit si ONIC Kiboy ang best Indonesian MLBB roamer
Ang mga bentahe nina Widjanarko at KYY para kay Baloyskie
Hindi lahat ay sasang-ayon sa mga manlalarong binanggit ni Baloyskie, pero may dahilan naman kung bakit niya napili sina Widjanarko at KYY.
“I remember when Widjanarko didn’t play, Rebellion couldn’t get a win. When he plays, they [can] only start to win. Overall, he played really well. I also don’t think people will understand this player is very important to his team,” paliwanag ni Baloyskie.
“Meanwhile, the matter of KYY is because of the mechanics and he is very annoying to deal with. When I try to make a play, he always annoys me. Besides, he is not easy to kill and his mechanics are very good,” dagdag pa niya.
Kung tutuusin, kapansin-pansin nga ang naging pagbabago sa performance ng Rebellion Zion sa nagdaang MPL ID S10 matapos palitan ni Widjanarko si Vall.
Samantala, isa naman sa mga beteranong manlalaro ng Indonesia si KYY. Masasabing pundasyon ng mga napagtagumpayan ng Bigetron Alpha ang naturang manlalaro, bagamat wala pang kampeonatong nauuwi ang koponan mula sa prestihiyosong turneo.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Ito ang hybrid build sa Bruno ayon kay Geek Fam Caderaa