Abot-kamay na sana ng Geek Fam ID ang korona upang tanghalin na kampeon ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 (MPLI 2022). Kung hindi nakabangon ang ONIC Esports ay maiuuwi na sana ng MPL ID S10 caretaker ang kanilang unang MLBB title.
Marami ang nagulat sa ipinakita ng Geek Fam ID sa MPLI 2022. Kabilang sila sa bracket ng Blacklist International, kung kaya’t marami ang umaasang hindi sila makakalabas dito.
Ngunit nabura ang duda ng marami dahil sa kanilang kahanga-hangang performance. Sa kanilang unang dalawang laban, tinalo nila ang RRQ Sena at ang MPL MY S10 runner-up na Orange Esports.
Bitbit ang positibong momentum, tinalo ni Allen “Baloyskie” Baloy at ng kanyang team ang dalawang higanteng teams ng Pinas, ang kampeon ng MPL PH S9 na RSG PH at kampeon ng MPL PH S10 na Blacklist International.
Sa kasamaang-palad, nagtapos ang Cinderlla story ng Geek Fam sa grand finals matapos silang talunin ng ONIC Esports sa isang dikit na score na 2-3.
Baloyskie ipinaliwanag na posibleng maka-comeback ang Geek Fam ID nung MPLI grand finals
Isang panalo na lang ang namamagitan sa Geek Fam at sa kampeonato. Matapos lumamang sa score na 2-0, halos mataranta na ang ONIC Esports sa agresibong pag-atake ng koponan ni coach Ruben sa ikatlong game.
Ngunit nagawa ng ONIC Esports na bumangon at siguruhin ang panalo sa Game 3. Sa sumunod na dalawang games, humataw ang Yellow Hedgehog team upang masiguro ang kanilang ikalawang MPLI championship.
Sa tanungin tungkol sa mga naganap sa MPLI 2022 grand finals, ikinwento ni Baloyskie kung anong nangyari nung mga oras na ‘yon.
“In the third game we actually had a pretty big chance of winning, Caderaa got a lot of gold from the turret and Janaaqt was far ahead of Kairi. But we made some big mistakes that allowed Kairi to catch up. Whereas in games four and five we lost in the draft,” sabi ni Baloyskie.
Sa kabila ng mahusay na ipinakita ng Geek Fam ID na angresulta sa isang second place finish, inamin ni Baloyskie na hindi niya inaasahang makakaabot nang ganito kalayo ang kanilang team sa kadahilanang hindi sila nagkaroon ng sapat na oras upang maghanda.
“I really appreciate the struggles of my teammates who tried their best even though they only had one week of preparation time. It’s not just the fans, we’re also surprised to be able to go this far,” paliwanag niya.
Ang pambihirang performance na ito ay patunay na hindi na pwedeng maliitin ang Geek Fam. Dahil dito ay marami nang nag-aabang sa kanila sa mga susunod na tournaments.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.