Maraming koponan pa rin ang naghahanap ng paraan kung paano ba padapain ang Blacklist International. Pero may iilan nang nakatuklas nito, katulad na lang ng Geek Fam ID na pingungunahan ni Pinoy import roamer Allen “Baloyskie” Baloy.

Pumihit ng nakakagulantang na 2-0 sweep sina Baloyskie at Geeks kontra kila Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna at Codebreakers sa quarterfinals bago lumapag sa 2nd place sa ONE Esports MPL Invitational 2022 na ginanap noong unang linggo ng Nobyembre.

Matapos matalo ng bottom finisher ng MPL Indonesia Season 10 ang 3-time MPL Philippines champion, nilinaw ni Blacklist head coach Kristoffer “BON CHAN” Ricaplaza na sineryoso nila ang MPLI 2022. Kaya talaga namang masasabi na hindi lang basta nakatsamba ang Geek Fam.

Sa isang episode ng EMPETALK ni dating pro player Jonathan “Emperor” Liandi sa YouTube, inilahad ni Baloyskie kung paano nila pinaluhod ang Blacklist International sa nagdaang torneo.


Ganito ang ginawa nila Baloyskie at Geek Fam ID upang magapi ang Blacklist International

Baloyskie sa EMPETALK
Credit: Jonathan Liandi/ EMPETALK

Malaking bagay umano na pamilyar si Baloyskie sa playstyle ng Pinoy pros kaya nila natalo hindi lang ang Blacklist International kundi na rin ang RSG PH sa MPLI 2022.

“Maybe just because I’m from PH and I know that PH players focus more on macros, I just try to disrupt their playstyle, be more aggressive and be unpredictable. So, I think that’s one point that made us win,” paliwanag ng 24-year-old player.

“If you want a setup, I don’t want it. Let’s just go,” dagdag pa niya.



Itinuturing ni Baloyskie na pinakamalakas na koponan pa rin ang Blacklist International sa mundo ng Mobile Legends. Kaya naman lubos ang tuwa nila na mapatumba ang reigning world champions.

“When you beat Blacklist International, you feel like you can beat any team because they are the strongest at the moment,” ani niya.

Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: ‘All PH’ ang top junglers ngunit MPL ID players naman ang top gold laners para kay Baloyskie. Sinu-sino nga ba sila at bakit?