Mula sa kamay nina Allen “Baloyskie” Baloy at ng kanyang mga kakampi sa Geek Fam ID nakuha ng EVOS Legends ang ika-apat na sunod nitong panalo sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10).
Nang tanungin ang palagay ukol sa pinagdaraanan ng organisasyong nag-uwi ng kauna-unahang M-series world championship title, may dalawang bagay na ipinunto ang Pinoy roamer, pareho itong tungkol sa kanilang roster.
Mas malakas daw ang MDL kesa MPL roster ng EVOS Legends, ayon kay Baloyskie
Kinikilala pa naman sana ang EVOS Legends ngayong season bilang ang bagong era para sa koponan matapos nilang pangibabawan ang unang bahagi ng regular season.
Nang tanungin ng ONE Esports ang kapitan ng Geek Fam na si Baloyskie ukol sa nangyayaring losing skid para White Tigers, ibinahagi niyang ito ay marahil sa mentalidad ng mga manlalaro.
“For me maybe because the players are not veterans. So when they taste the feeling of losing, maybe they’re having a hard time mentally,” paliwanag niya.
(Para sa akin, siguro dahil hindi pa mga beterano ‘yung mga player. Kaya ‘pag nakakaramdam na sila ng pagkatalo, nahihirapan na silang tanggapin ito sa kanilang pag-iisip.)
Isa pa raw dahilan para kay Baloyskie ay kung paano nilipat ng EVOS Legends ang lahat ng magagaling na player nito sa MLBB Development League Indonesia.
“I think their MDL lineup is better. For me it’s a really bad decision for [EVOS Legends to transfer their players] because why put your best talent in MDL not in MPL?” tanong ng beteranong manlalaro.
(Sa tingin ko mas malakas ang lineup nila sa MDL. Para sa akin, hindi maganda ‘yung desisyon [na ilipat ang kanilang mga manlalaro sa MDL] para sa kanila dahil bakit mo ilalagay ‘yung pinakamahuhusay na talento mo sa MDL at hindi sa MPL?)
Sa ngayon, ang main roster ng EVOS Icon sa MDL ay binubuo nina Ferdyansyah “Ferxiic” Kamaruddin, Dalvin “Hijumee” Ramadhan, Jabran “Branz” Wiloko, Vincentsius “VaanStrong” Adrianto, at Pinoy EXP laner na si Gerald “Dlar” Trinchera.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Ika-4 na sunod na talo ng EVOS Legends, inihain nina Baloyskie at Janaaqt ng Geek Fam ID