Ibinunyag ng coach ng Geek Fam ID na si Ruben “Ruben” Sutatanto kung gaano kahalaga ang naging ambag ni Allen “Baloyskie” Baloy sa pag-angat ng kanilang koponan simula noong kampanya nila sa Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10) na nagpapatuloy hanggang ngayon.
Sa pangunguna ng Filipino roamer, nagtapos sa ikalawang puwesto ang Geek Fam ID sa ONE Esports MPL Invitational 2022 (MPLI 2022). Sila ang tumapos sa kampanya ng RRQ Sena, Orange Esports, Blacklist International, at RSG Philippines.
Sa grand final, kinapos sila kontra kampeon ng MPL ID S10 na ONIC Esports. Gayunpaman, nahuli pa rin ng Geek Fam ID ang atensyon ng komunidad, kaya’t walang humpay ang papuri ni Coach Ruben kay Baloyskie.
Binago raw ni Baloyskie ang Geek Fam ID, ani Coach Ruben
Ayon kay Ruben, si Baloyskie raw ang may pinakamalaking impluwensiya sa Geek Fam ID. Nabago niya ang mentalidad at perspektibo ng mga naunang miyembro, kung ikukumpara noong nakaraang season.
Ibinahagi ito ng coach sa isang episode ng EmpeTalk ni Jonathan Liandi. Tapatan niyang ibinunyag kung gaano ka-importante ang role ni Baloy sa Geek Fam ID ngayon.
“Pada season ini, saya melihat para pemain lebih try hard. Selain itu karena kami kedatangan Baloy dan Janaaqt, dan yang paling berdampak serta membuat para pemain memiliki motivasi lebih dan ingin juara adalah Baloy. Dia selalu bisa men-support para pemain,” aniya.
(Ngayong season, pansin ko kung paano nagsisikap ang mga player. Bukod diyan, dahil nasa amin sina Baloy at Janaaqt, at isa sa mga nagbibigay ng impact at nagmo-motivate sa player para manalo ay si Baloy. Parati niya nasusuportahan ang mga player.)
“Karena dia player luar, pasti akan ada kendala yang membuat pemain berselisih dan lainnya. Namun Baloy bisa membantu para pemain dan menjadi sosok kakak atau abang di dalam tim,” dagdag ni Coach Ruben.
(Dahil import siya, may mga obstacle siyang kailangan lampasan… Pero natulungan ni Baloy ang ibang players at nagsilbi siyang kuya ng koponan.)
Bukod sa moral ng koponan, malaking tulong din daw si Baloyskie sa Geek Fam ID pagdating sa in-game. Bilang coach kasi, nakakapagbigay lang siya ng input bago o matapos ang laban, kaya’t nasasalo ng Pinoy ang leadership habang nasa laro.
“Baloy juga merupakan tipe orang yang sangat ingin juara, membuktikan diri, dan berkembang, jadi dia selalu try hard. Hal ini juga membuat para pemain lainnya berpikir ‘masa Baloy saja try hard, masa kita tidak’,” kwento nito.
(Si Baloy yung tipo ng player na gusto talagang manalo, yung mapatunayan yung sarili niya at gumaling—parati siya nagsusumikap. Napapsisip din ‘yung mga player, ‘ngayong nandito na si Baloy nagsisikap tayo, noong tayo-tayo, hindi masyado.’)
Nauudyok daw ni Baloyskie ang kanyang mga kakampi na magkaroon ng positibong pananaw, bagay na hindi nila nagagawa noong mga nakaraang seasons.
“Di season sebelumnya, semua pemain hanya mengikuti. Tidak ada pemain yang ingin menunjukkan sesuatu agar tim ini bisa berubah. Walaupun sekarang para pemain ketergantungan kepada Baloy, tetapi dia kan player dan membuat semuanya ingin mencontoh dia,” sambit niya.
(Noong nakaraang seasons, sumusunod lang ang mga player. Walang player ‘yung gustong magpakita ng motibo para mabago yung koponan. Kahit pa umaasa na ang mga player kay Baloy, siya ‘yung tipo ng player na magandang gawin bilang example.)
Ipinabatid din ni Ruben kung gaano siya kaswerte kay Baloyskie, lalo na sa kung paano niya nabago ang Geek Fam ID.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.