Bagamat tinaguriang pinakamalakas na koponan sa buong mundo, kataka-taka para sa ilan kung bakit ni-isang miyembro ng M4 World Champions ECHO ay hindi aanib sa SIBOL MLBB team na sasalang sa 32nd Southeast Asian Games.

Gayunpaman, hindi rin naman palaisipan kung bakit aasahan ni Francis “Coach Duckey” Glindro ang kaniyang main five mula BREN Esports, lalo pa’t solido na ang kemistri ng pangkat na nagpakitang-gilas sa nakaraang MPL Philippines Season 10, bago sakupin ang SIBOL MLBB qualifier kung saan kasama sa mga dinaan nila papunta sa kampeonato ang Purple Orcas.

Credit: MPL Philippines

Ngayong MPL Philippines Season 11, muling umingay ang pasaring ukol sa kaledad ng sasabak na SIBOL MLBB squad nang padapain ng ECHO ang The Hive, 2-0 sa kanilang unang pagtatagpo matapos ang qualifier.

Ang coach ng team na si Harold “Coach Tictac” Reyes, mabilis na inapula ang pagbaga ng usapin.


2 ECHO players sasanib dapat sa SIBOL, piniling lumiban

Credit: MPL Philippines

Matapos ang tagumpay kontra BREN, nagkaroon ng pagkakataon ang media na makapanayam si Coach Tictac at ang kaniyang hanay kung saan nilinaw ng esports veteran ang pakahulugan nila ukol sa tagumpay kontra sa SIBOL lineup ni Coach Duckey.

“Hindi namin naisip yung mga ganoong bagay…masaya lang kami, laro-laro lang,” paliwanag ng ECHO coach kaalinsabay ng umugong na balita ukol sa pag-back out nila sa SIBOL MLBB roster.

Sinegundahan naman ni Robert “Coach Trebor” Sanchez ang desisyon ng grupong lumiban sa pagiging kinatawan ng National Team ng Pilipinas.

Credit: Moonton

“Kaya tinanggihan namin yung alok ng SEA Games kase medyo mahihirapan yung dalawang player namin na bumiyahe kada-practice, madre-drain sila, baka yung MPL Season 11, mahirapan kami mag-adjust dahil doon sa SEA Games,” paglalahad ng technical coach.

Ito ay alinsunod sa anunsyo na gaganapin sa BREN Esports headquarters ang training ng mga kinatawan ng Pinas.

Sa puntong ito naihayag na dalawang miyembro ng ECHO ang dapat ang lalahok sa SIBOL roster.

Pagtutuloy ni Trebor, “Yung isa main five, yung isa 6th man…Kaya sobrang pagod talaga yung biyahe kase iisipin mo, alas diyes ng gabi, babiyahe papuntang bootcamp ng Bren, tapos babalik ng 12, baka ma-drain lang yung bata.”

Credit: Moonton

Bukod pa dito, “Pero yun nga dahil tumanggi din yung (isang player) ayaw magpa-sixth man, syempre iba pa rin yung aura namin noong M4, kaya hindi rin deserve maging 6th man yung (isang) kukunin sa amin.”

Samantala, susubukan ng SIBOL MLBB team ng BREN at ng ONIC PH beterano na si Nowee “Ryota.” Macasa (sixth man) na ipagpatuloy ang dominasyon ng Pilipinas sa international stage.

Para sa iba pang mga balita sa MLBB, i-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines!

BASAHIN: Yawi may pahapyaw sa darating na Chou M4 Champion Skin