Bago gumulong ang MPL Indonesia Season 11, nabigla ang mga miron ng ipakilala si Adi a.k.a Coach Acil bilang parte ng ONIC Esports, ang mortal na katunggali ng kaniyang dating team na RRQ Hoshi. Ipinagkatiwala sa beterano ang head coaching position para yakagin ang Hedgehog team matapos kumalas ni Coach Aldo papunta sa hanay ng Bigetron Alpha.

Ang paglipat ng dalawang coaches na ito ang isa sa mga naging highlights ng eksena pagkaraan ng M4 World Championship. Bagamat inasahan na ang pag-alis ni Acil mula sa RRQ noon, walang nag-akala na mapupunta siya sa puder ng ONIC.

Credit: ONIC Esports

Ngunit kapansin-pansin sa unang linggo ng liga na wala sa entablado ang bantog na coach nang maglaro ang ONIC Esports. Natatanging si Coach Denver “Yeb” Miranda lamang ang nanguna sa drafting ng team sa dalawang pagkakataon.

Nagsindi ito ng mga katanungan mula sa MPL ID fans. Nasaan si Coach Acil?


Hindi kasama si Coach Acil sa ONIC Esports roster sa MPL ID S11

Credit: ONIC Esports

Sinubukang kumuha ng komento ang ONE Esports sa Head of Public Relations ng Moonton Indonesia at MPL ID na si Azwin Nugraha ukol sa pagliban ni Coach Achil nang maglaro ang ang kaniyang team sa unang linggo ng regular season. 

Diretso sa punto ang sagot ng executive. “Not yet. Because he (Acil) is not in the official roster.”

Credit: ONE Esports

Sa madaling sabi, bagamat nasa panig na ng ONIC Esports, hindi nakasama ang pangalan ng coach sa opisyal na roster ng team para sa MPL ID Season 11.

Malaking posibilidad na hindi nakaabot si Coach Acil sa petsa bago mag-roster lock kung kaya’t hindi maaaring ilagay ang kaniyang pangalan sa lineup.

Mananatiling naka-antabay ang ONE Esports sa mga pagbabagong magaganap sa lineup ng defending champions.

Pagsasalin ito sa sulat ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Ang mga sorpresang heroes na nagpakita sa Week 1 ng MPL ID Season 11