Patuloy na nagbabaga ang atake ng Bren Esports ni Angelo “Pheww” Arcangel sa gumugulong na MPL Philippines Season 11. Pagkaraang tulungan na patumbahin ang ONIC Philippines sa Week 4 ng regular season, naitala na ng kaniyang koponan ang kanilang ika-anim na sunod na sweep papunta sa 6-1 kartada.

Kapansin-pansin sa mga seryeng kinatampukan ng Bren ang gilas ng mga pitik ni Pheww na susi para dalhin ang The Hive sa ulo ng standings sa unang bahagi ng regular season.

Credit: MPL Philippines

Si Francis “Coach Duckey” Glindro, mistulang hindi na nabigla sa ipinapakita ng kaniyang long-time player sa loob ng laro. Aniya, may isa raw kasing katangian ang pro na patuloy na nagpapamangha sa kaniya.


Coach Duckey kay Pheww: The most impressive part of his character is his work ethic

Sa press conference matapos kalawitin ang ika-anam nilang sunod na tagumpay, ibinahagi ni Coach Duckey kung bakit nanatiling kumpiyansa ang team sa kakayahan ng kanilang kapitan at ang rason sa kaniyang consistency sa laro.

Kuwento ng SIBOL MLBB 2023 head coach, “I think the most impressive part of his character is his work ethic, really.”

Credit: ONE Esports

Tantiya daw niya, kahit pa sa milyahe na mayroon si Pheww ngayon ay kaya niyang tapatan ang lebel ng talento na mayroon ang mga batang pros. ” There are some players you would consider as prodigies, some are really talented in this game. Kaya niyang tapatan ‘yon and with just pure work ethic.”

May basehan kung bakit nasabi ito ng coach. Bukod sa pambihirang plays na nagagawa ni Pheww kontra sa gutom at talentadong pros sa MPL PH, sinasalamin din ng puwesto niya sa top five ng KDA Ranking ang naiaambag niya para sa mga pambato ng The Hive.

Credit: MPL Philippines

“Parang sa idea siguro neto e, find the most talented individual, outwork him. Parang ganoon yung idea niya eh. So I think it’s paying dividends right now,” pagtutuloy ng long-time coach ng Bren.

I-like at i-follow ang Facebook ng ONE Esports Philippines para sa mga balita at eksklusibong content sa MPL PH.

BASAHIN: Inisip daw maglaro muli ni E2MAX sa gitna ng lose streak ng Smart Omega sa MPL PH S11, inilahad kung bakit