Matapos pakawalan ng ONIC Philippines mula sa aktibo nitong roster, malaking gulat para sa mga miron na matagpuan ang pangalan ni Ralph”Rapidoot” Adrales (ngayon ay kikilalanin nang “Dudut”) sa lineup ng ONIC Arsenals na sasabak sa Mobile Legends: Bang Bang Developmental League Philippines Season 1 (MDL PH S1).
At may katwiran kung bakit ganoon na lamang ang reaksyon ng madla sa nasabing anunsyo.
Matatandaan na susi ang play ni Rapidoot para pabagain ang makinarya ng Yellow Hedgehogs na dinomina ang unang bahagi ng regular season at makalusot sa playoffs noong MPL Philippines Season 10 bagamat plebo pa lamang sa liga. Kaya naman, palaisipan para sa marami ang naging desisyon ng ex-captain sa kaniyang karera.
Hindi naman itiango ng Arsenals ang rason kung bakit sa panig nila babandera si Dudut.
‘Time constrait sa MPL’, ang nagtulak kay Rapidoot para lumahok sa MDL
Sa isang palitan sa comment section ng Facebook post ng ONIC Arsenals, ipinunto ng isang netizen na pinili ni Rapidoot ang pagsali sa MDL kaysa sa mas bigating MPL PH.
Ang organisasyon, agad tumugon sa nasabing punto.
“Time Constraint sa MPL since Offline cxa and Requires too many Preparation. Unlike sa MDL Season 1 Online lang po lahat which gives Dudut flexibility to do both his Esports Work and School at the same time,” sulat nila.
Gayunpaman, dagdag ng grupo, “Don’t Worry, You’ll see him back in the MPL scene soon. Keep Supporting ONIC Dudut.”
Bubuksan ni Dudut at ng kaniyang ONIC Arsenals ang kanilang kampanya kontra Nexplay EVOS Tiger Cubs sa February 15.
Sundan ang pinakahuli sa Mobile Legends sa pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines!
BASAHIN: Eson liliban muna sa MPL PH S11, Blacklist hindi pa nag-aanunsyo ng kumpletong lineup