Hindi na pagugulungin ng Moonton ang pinapalagay na pinakamalaging pagbabago sana Mobile Legends: Bang Bang ngayong taon.
Ito ay nakatuon sa Talent System na dapat ay papalit sa emblem system ng laro at epektibong magbabago sa kung papaano nilalaro ang popular na MOBA. Gayunpaman, inanunsyo ng game developer sa isang Facebook post kamakailan na hindi na ito ilalapag sa client.
Parte sana ito ng pagbabagong ilalatag ng Moonton na nakapaloob sa Project NEXT update ngayong September 20, kung saan kasama din ang rework sa heroes na sina Gusion at Lesley, at ang magic sentry at updates sa turrets.
Ito ang rason kung bakit hindi ipinatupad ang Talent System
Nagsalita ang chief designer ng Moonton na Skyhook tungkol sa layunin nilang bigyan ng update ang emblem system na parte na ng laro simula noong una itong inilabas.
“As the battlefield evolved, more and more players demanded higher freedom in terms of attribute customization and skill composition,” aniya. “Logically, the emblem system became the major of this year’s Project NEXT update.”
Bibigyan dapat ng talent system ng pagkakataon ang mga manlalaro na magkaroon ng flexibility bago pa man sumalang sa Land of Dawn. Karugtong nito, may tiyansa din ang players na i-customize ang kanilang loadout sa pick at ban phase at kopyahin ang talent builds mula sa pro players, isang feature na wala sa laro ngayon.
Plano ring palitan ang magic dust at emblem fragments sa laro ng resource na tinatawag na talent essence.
Bagamat available na ang nasabing update sa beta testers ilang buwan bago ang inasahang September 20 update, napagdesisyunan ng Moonton na kanselahin ito dulot ng “negative feedback” mula sa komunidad.
“The talent system is not easy to get started with due to the complex design and overly abundant talent choices,” sulat pa ng designer. “The team made multiple attempts to further optimize the system but was not able to solve the issues perfectly.”
Wala pang indikasyon kung ang ibang updates na kasama dapat ng talent systm ay maapektuhan ng pagkansela nito.
Manatiling naka-antabay sa pinakahuli sa Mobile Legends sa pamamagitan ng pag-like at pag-follow sa Facebook ng ONE Esports Philippines.
BASAHIN: Babaguhin ng magic sentry ang pag-facecheck ng jungle sa MLBB