May bagong venue ang group stage at knockout stage ng M4 World Championship, anunsyo ng Moonton.

Matatandaang nakatakdang iraos group stage ng turneo simula ika-isa hanggang ika-apat ng Enero sa XO Hall, habang ang buong knockouts stage naman ay gaganapin simula ikapito hanggang ika-15 ng parehong buwan sa Istora Senayan Stadium sa Central Jakarta.

Pero ayon sa “unforeseen circumstances and in order to provide the best possible experience to fans,” kinailangang palitan ng Moonton ang venue tatlong linggo bago magsimula ang turneo.



Ang bagong venues para sa M4 World Championship

Nag-anunsyo ang Moonton ng bagong venues para sa M4 World Championship
Credit: Moonton

Ang group stage ay gagawin na sa Bali United Studio, West Jakarta, habang ang knockout stage naman ay sa Tennis Indoor Senayan, na matatagpuan sa parehong complex ng Istora Senayan.

“This is done to ensure that we can provide a safe and conducive experience for our teams, fans, and gaming community,” sulat ng Moonton.

(Ito ay para masiguro ang kaligtasan at magkaroon ng magandang experience ang teams, fans, at gaming community.)

Ayon sa isang report ng Liga Game, nagkaroon daw ng sunog sa XO Hall, kung saan sana nakatakdang ganapin ang group stage, noong Lunes dahil sa electrical short circuit. Wala namang nasaktan sa naturang insidente.

Nag-anunsyo ang Moonton ng bagong venues para sa M4 World Championship
Credit: Kompas

Kaakibat ng bagong venue ang panibagong pagpaplano. Ayon sa website ng Gelora Bung Karno Sports Complex, ang Istora Senayan ay may kapasidad na 7,180 katao. ‘Di hamak na mas marami ito kumpara sa lilipatan na Tennis Indoor Stadium, na may sapat na espasyo lang para sa 3,300 katao.

Dahil sa mas onting seating capacity, hindi lahat ng nakabili ng ticket ay mabibigyan ng upuan. Para sa kanilang abala, ire-refund ng Moonton ang ticket ng mga maapektuhan at bibigyan din ang mga ito ng 250 in-game diamonds.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Target at mga inaasahan ng Moonton sa M4 World Championship