Matapos ang malahalimaw na performance sa unang bahagi ng MPL Indonesia Season 10 kung saan natumbok nila ang second place finish, malahalimaw din ang bumubuntot na kamalasan sa Aura Fire.

Dalawang magkasunod na pagkatalo ang ang natanggap ng koponang binansagan ding “Fire Dragon” matapos ang first half ng Season 10. Bigo ang team sa harap ng Bigetron Alpha at RRQ Hoshi at ngayong Week 7, ay hindi rin naging buwenas ang salang ng koponan sa Land of Dawn.

 Taob din ang team sa Geek Fam ni Allen “Baloyskie” Baloy sa hindi inaasahang 2-1 serye.

Ano nga ba ang nangyayari sa Aura Fire?


Aura Fire lagapak ang performance sa second half ng MPL ID S10

Sa pinakasimpleng basihan ng performance ng teams, agad na mapapansin ang kaibahan ng Aura Fire sa unang bahagi ng season kung ikukumpara sa kasalukuyan. Lagapak ang KDA record ng team, at hindi nakakatulong ang pagbaba ng performance ni Kabuki sa gold lane.

MATCH WEEKKILLSDEATHSASSISTSKDA
Week 13219675.21
Week 270671533.11
Week 376791693.10
Week 468561564.00
Week 546631132.52
Week 62662581.35

Hindi maitatanggi na makamandag ang Aura Fire gold laner kapag hawak ang paborito niyang Beatrix. Ngunit malaki ang problmea ng kaniyang team kapag nananakaw o na-baban ang marksman hero.

Kung nagawa ni Kabuki na magpakita ng parehong mastery gamit ang iba pang meta gold laners tulad ng Claude, Wanwan o Melissa, siguradong hindi ganito ang kinalalagyan ng kaniyang koponan ngayon. Bukod sa Beatrix ay hindi na nakapagtala si Kabuki ng panalo sa iba pang mga hero.

Credit: Aura Kabuki

Bukod kay Kabuki, wala na ring element of surprise ang draft ng Aura Fire tulad ng dati. Matatandaang, pinakilala ni High ang kaniyang sarili bilang isa sa mga pinaka-flexible na jungler sa liga nang una niyang gamitin ang tank heroes sa jungle sa MPL ID, bukod pa sa iba pa niyang offmeta picks.

Ngunit ngayon, hindi na masyadong pinapaburan ng Aura Fire ang ganitong dimensyon ng kanilang drafting. Kung kaya, mas madaling mabasa ng kanilang mga kalaban ang patterns nila sa drafting.

Credit: MPL Indonesia

Ito rin ang pinag-sangayunan ng MLBB personalities na sina Antimage at Jhonatan Liandi kung saan sinabi nilang hindi nagbago ang Aura Fire kung kaya’t mas napapag-aralan sila ngayon hindi tulad ng dati.

Isa pang kapansin-pansin ngayon na ginagawa ng koponan kapag kalaban ang Fire Dragon team ay ang pang-tatarget kay FACEHUGGER sa drafting.

At epektibo naman ang nagiging resulta nito para sa mga kalabang teams ng Aura. Sa pamamagitan ng pagtatanggal sa Faramis at Yve, madaling nilang napipilay ang koponan dahil kita na hindi pa kumportable sa Valentina ang midlaner.


Kasalukuyang may 6-6 standing ang Aura Fire at nanatili sa top half ng standings. Ngunit kung hindi nilama masasagot ang mga problema nila ngayon ay hindi malabong maabutan pa sila ng mga teams na hindi kasama sa top 6.

Sa tingin ninyo, ano ang dapat gawin ng Aura?

Pagsasalin ito sa sulat ni Alfa Rizki ng ONE Esports ID.

BASAHIN: 3-match win streak na ang Bigetron Alpha, pero mahihirapan nang makapasok sa playoffs ang Geek Fam ID