Nakasungkit ng panalo si David “FlapTzy” Canon gamit ang Arlott sa unang paghaharap ng BREN Esports at Blacklist International sa ika-11 season ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Philippines (MPL PH).

Si Arlott ang pinakabagong Fighter na ipinakilala sa laro. Binubuo ng crowd control at dash ang kanyang kit, kaya’t nagagamit ito bilang EXP laner, at sa ilang pagkakataon ay jungler, sa pro scene.

Ito ang tips ni FlapTzy para maging isang magaling na Arlott player
Credit: ONE Esports

Bagamat hindi ganon ka-overpowered, ‘di tulad ng mga naunang hero noong sila’y bagong labas, tila hindi pa sementado ang papel at build nito sa kasalukuyang meta. Kaya’t nang magtagumpay ang BREN Esports kay Arlott, hindi na namin pinalagpas ang pagkakataong humingi ng Arlott tips mula kay FlapTzy.



Arlott tips ni FlapTzy ng BREN Esports

Ito ang tips ni FlapTzy para maging isang magaling na Arlott player
Credit: ONE Esports

Sa iilang beses na ginamit ang hero sa MPL PH Season 11, nakita itong gamitan ng Unbending Will, Festival of Blood, Tenacity, at Concussive Blast. Iba-iba man ang item build o talent mula sa emblem, tiyak naman na ang mga dapat gawin para mapagana ang isang Arlott.

“Bago kayo gumamit ng ultimate (Final Slash), tignan niyo muna kung ready ‘yung mga kakampi niyo,” sagot niya sa eksklusibong panayam ng ONE Esports.

Mabilis lang ang animation ng Final Slash kaya’t mahirap itong maiwasan ng mga kalaban. Kaso nga lang, dahil nga sa bilis ng animation nito, baka hindi rin maging ganun kadali para iyong mga kakampi na madugtungan ito.

Ito ang tips ni FlapTzy para maging isang magaling na Arlott player
Credit: Moonton

Pero bukod sa dapat ay nakatingin ang iyong mga kakampi sa Final Slash initiation mo, importante rin daw ang composition niyo para mapagana ang isang Arlott pick.

“Pasok ‘yung Arlott kapag masasakit yung kakampi mo, para kapag na-set-an mo ‘yung kalaban, mauubos nila,” dagdag ng bantog na EXP laner sa kanyang Arlott tips.

Ang huling payo ni FlapTzy ay ang galaw sa lane. Para raw hindi malugi sa early game, siguraduhing i-maximize ang iyong skills pang-poke at sustain.


Anong masasabi niyo sa Arlott tips ni FlapTzy? Sabihin sa amin sa Facebook page ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Siguradong punit ang mga kalaban sa Moskov build ni Kelra