Ibinahagi ng CEO ng Team RRQ na si Andrian “Mr. AP” Pauline na maraming sa kanilang fans ay ayaw na gumagamit si Albert “Alberttt” Iskandar ng Tank heroes para punan ang kanyang role bilang jungler.

Simula nang mag-debut siya noong Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 6, unti-unting nakilala ang manlalaro mula Bali sa kanyang husay gumamit ng Assassin. Pero dahil sa pagbabago ng meta, kinailangan nang gumamit ni Alberttt ng mga Tank.

Ito ang sagot ni Arcadia sa RRQ fans na ayaw pagamitin si Alberttt ng Tank Jungler
Credit: ONE Esports

Para bigyan ng karagdagang linaw ang naturang sitwasyon, nagpaliwanag sina Petra “Fiel” Giovanni at Michael “Arcadia” Bocado.

Ang palagay nina Fiel at Arcadia sa paggamit ni Alberttt ng Tank Jungler

Ito ang sagot ni Arcadia sa RRQ fans na ayaw pagamitin si Alberttt ng Tank Jungler
Credit: ONE Esports

Sa isang video na in-upload ng Team RRQ sa opisyal nilang YouTube channel, nakatanggap sina Fiel at Arcadia ng tanong mula kay Mr. AP tungkol sa palagay ng Kingdom, ang fanbase ng koponan.

Ibinahagi ng CEO na hindi raw nila gustong nakikita si Alberttt na gumagamit ng Tank Jungler matapos gumamit ng manlalaro ng Balmond noong serye nila Alter Ego.

Sagot ni Fiel, hindi naman daw kailangan mag-alala ng Kingdom ‘pag gumamit ito ng mga ganung tipo ng hero dahil bukod sa gamay niya kung paano ito laruin, napaghandaan na rin ito ng buong koponan bago pa sumabak sa laban.

“Jujur, Alberttt itu jungler multi-talent. Jadi jangan khawatir ketika Alberttt main jungler apapun, sebenarnya dia sudah mempersiapkan hal itu dan dia memang bisa memainkannya,” sagot ni Fiel.

Ito ang sagot ni Arcadia sa RRQ fans na ayaw pagamitin si Alberttt ng Tank Jungler
Credit: Team RRQ

(Sa totoo lang multi-talented jungler si Alberttt kaya ‘wag kayong mangamba na naglalaro ng ibang jungler si Alberttt. Naghanda siya para diyan at kaya niya ‘yon laruin.)

Sinang-ayunan naman ni Mr. AP ang palagay na ‘to ni Fiel. Dagdag pa ni Arcadia na bentahe rin para sa koponan ang kakayahan ng kanyang maglalaro na bumida gamit ang Tank Jungler.

“Actually, Alberttt is a jungler who can play both at the highest level. He can play Assassin or Tank really well,” Arcadia said.

“Alberttt’s difference with other junglers, even from PH and Indonesia, most of them can only play Assassin Jungler. That’s why when the META changed, there were a lot of them that had to be in the middle of it again.



But there are some of the junglers who can adapt well, for example, Alberttt who is very good at playing Balmond, Akai,” dagdag niya.

Sa kahabaan ng gumugulong na MPL ID S10, nakagamit ang jungler ng RRQ Hoshi ng 10 hero mula sa tatlong roles—Ling, Lancelot, Kairna, Hayabusa, Benedetta, Balmond, Chou, Julian, Paquito, at Akai.

Sa 10 ‘yan, sina Akai, Paquito, at Lancelot ang most-played heroes niya. Patunay ito sa versatility ni Alberttt bilang isang jungler.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Geek Fam ID pinahaba ang losing streak ng Aura Fire sa MPL ID S10