May posibilidad na makasama si dating EVOS Legends EXP laner Maxhill “Antimage” Leonardo at ibang mga beteranong manlalaro sa Indonesian Mobile Legends national team selection para sa darating na 2023 Southeast Asian Games.

Sa kasalukuyan, gumugulong na ang proseso ng pagpili ng mga manlalaro. Ilan sa mga pinakamalakas na players sa competitive Indonesian MLBB scene ang napili at sumailalim na sa pyschological at medical test.

Sa patnubay ni Bjorn “Zeys” Ong bilang coach ng Indonesian MLBB national team, maaari pang madagdagan ang mga pangalan sa selection. Sa katunayan, nakasama pa nga sina Muhammad “Lemon” Ikhsan and Muhammad “Cr1te” Effandy na wala naman sa anunsyo ng PB ESI.

Kaya naman nabanggit ni Zeys na posibleng makasali si Antimage at apat pang kapwa niya mga beterano, ngunit sa isang mahirap na kondisyon.


Kailangang talunin nila Antimage at iba pa ang ONIC Esports upang makasali sila sa selection, ayon kay Zeys

Branz Zeys
Credit: ONE Esports

Sa pamamagitan ng isang live stream sa kanyang YouTube channel, inanunsyo ni Zeys na may lima pang karagdagang manlalaro na maaaring kailanganin sa qualifier. Sa pagbuo ng pinakamahusay na Indonesian squad para sa 2023 SEA Games na gaganapin sa Cambodia, ‘di siya nag-atubili na buksan ang oportunidad sa mga beterano na ‘di na naglalaro sa MPL.

Ilan sa mga nabanggit ng EVOS Legends coach sina Isaiah “XINNN” Wowiling at Ihsan “Luminaire” Besari kasama na sina Ferdiansyah “Ferxiic” Kamaruddin, Gustian “REKT” Hidayat, at Maxhill “Antimage” Leonardo.

Credit: Xinnn

“So (there is) bangsin (XINNN) at Ihsan (Luminaire’s) house. It’s not just bangsin, guys, there are 5 players later in Ihsan’s house that I will spill. 5 players who want to participate in the National Selection but we don’t know now what their strength is,” saad ni Zeys.

Bagamat mayroon silang magandang reputasyon sa kanilang karera, nagbigay si Zeys ng matinding kondisyon kung nais nilang makapasok sa selection. Ani niya, kailangan nilang talunin ang kasalukuyang MPL Indonesia champion na ONIC Esports, na pinagbibidahan ni Pinoy jungler Kairi “Kairi “Rayosdelsol.

“Will they still be able to play competitively? If they want to advance (to the MLBB SEA Games 2023 Cambodia), they have to beat the MPL champion team now,” pahayag ni Zeys.

Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa katha ni Cristian Wiranata Surbakti ng ONE Esports Indonesia.