Isa si Maxhill “Antimage” Leonardo sa mga bantog na pangalan sa Mobile Legends eksena sa Indonesia na hindi lalahok sa prestihiyosong 2022 MLBB Esports President’s Cup.

Maalalang huminto mula sa pro play ang former EVOS Legends star, na sa kasulukuyan ay abala sa paggawa ng content sa kaniyang YouTube content at pagiging panelist sa sikat na EMPESHOW.

Bagamat karamihan sa mga personalidad at koponan sa bansa ang sabik na makasabak sa patimpalak ay may rason si Antimage sa pagtanggi sa oportunidad na makabalik sa competitive play.


Isyu sa EVOS ang dahilan ng pagtanggi ni Antimage sa paglalaro sa 2022 Esports President’s Cup

Credit: 2022 Esports Presidents Cup

Isa ang 2022 Esports President’s Cup sa mga pinaka-inaantabayanang national event na may layuning linangin ang esports talent sa bansa. Kaya naman, hindi nag-aatubili ang karamihan ng esports athletes sa Indonesia na luhamok sa nasabing patimpalak ng sa gayon ay makuha nila ang atensyon ng mga miron sa industriya.

Bagamat batid ni Antimage ito ay may malalim siyang rason para tanggihan ang pagsali sa liga. 

Sa isang YouTube content kasama ang EVOS Legends gold laner na si Hafizhan “Clover” Hidayatullah, inamin ni Antimage na may dalawang koponan na gusto sanang kuhanin ang kaniyang serbisyo para makasali sa kumpetisyon.

Credit: Maxhill Leonardo

“I don’t think I’ll be joining the Esports President’s Cup. Actually, I was given an offer by  EVOS Legends and Jo (Emperor x O2),” banggit ng EXP laner.

Aniya, may hindi pa tapos na isyu sa pagitan niya at ng EVOS management. Hindi naman daw niya tinaggap ang offer ng Emperor dahil hindi niya sukat ang lakas ng teammates na lalaro para sa team, ngayong gusto niyang manalo kung sasali man dito.

“But because I still have something (problem) with EVOS,so that’s it. And for Jo, I’m sorry, I don’t want to lose,” kuwento ni Antimage.

Credit: EVOS Esports

Kasulukuyang gumugulong ang torneo kung saan isinalang ng EVOS Legends ang magkahalong players mula sa kanilang MPL at MDL squad katulad nina Branz, Hijumee, Ferxiic, Saykots, Vaanstrong at Dreams. Samantala, naglalaro naman para sa Emperor x O2 sina Emperor, Tuturuu, LIAM, Rooster at InstincT.

Pagsasalin ito sa sulat ni Cristian Wiranata Surbakti ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Ganito nilutas ng BTR ang Faramis picks ng RRQ Hoshi sa 2022 President’s Cup