Nagbigay kamakailan si Maxhill “Antimage” Leonardo ng tip para sa mapagana si Dyrroth.
Isa ang naturang fighter sa mga pinakamalalakas na hero ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang. Nakadisenyo ang kanyang skillset para makapagbigay ng mataas na physical damage output.
Kargado si Dyrroth ng passive na kayang makatagos sa armor at regen ability. Bukod dito, meron din siyang skills na nakapagbibigay ng mobility, na maaaring ipanghabol o ipangtakas.
Gayunpaman, pili pa rin ang mga sitwasyon kung saan mangingibabaw ang naturang hero. Mas mainam kasi siyang gamitin bilang pang counter-pick sa mga hero tulad ng Uranus, Esmeralda, at Fredrinn.
Ito ang nangyari noong MLBB Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10) kung saan nakapagtala si Dyrroth ng 50-percent win rate sa 14 beses siyang na-pick.
- Sino ang best EXP laner sa MPL ID S10 ayon kina Dlar at Antimage?
- Nahanap na raw ni Antimage ang counter sa Blacklist International. Gana nga ba ‘to?
Ang mga requirement para sa magandang Dyrroth game, ayon kay Antimage
Ibinahagi ni Antimage, isa sa pinakamagaling na offlaners sa Indonesia, ang lakas ng hero. Ang presensiya ng hero sa Land of Dawn ay dapat suportahan ng koponan para makabwelo ito.
“Ingat guys, jika di ranked kalian mau main Dyrroth di offlane, usahain roamer atau junglernya pick hero tank,” aniya sa isang livestream.
(Tandaan niyo, kung gusto niyong maglaro ng Dyrroth sa offlane, subukan niyong pumili ng roamer o jungler na tank hero.)
“Kalau roamer kalian support dan jungler assassin, atau marksman, ga akan bisa draftnya. Karena dia bukan hero offlane yang TB di depan,” paliwanag niya.
(Kung ang roamer niyo ay support at ang jungler niyo ay assassin o marksman, hindi niyo pwedeng i-draft ‘to. Hindi kasi siya ‘yung tipo ng offlaner na humaharap.)
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Magkakaroon daw ng trials ang EVOS Legends para sa roster nila sa MPL ID S11