Nagbigay ng tugon ang inactive player ng EVOS Legends na si Maxhill “Antimage” Leonardo ukol sa request ng isang fan na pumunta siya sa Integrated Training Facility (ITF) para tulungan ang White Tigers bago ang ikawalong linggo ng Mobile Legends: Bang Bang Professional League Indonesia Season 10 (MPL ID S10).

Limang sunod-sunod na pagkatalo ang tinamo ng EVOS Legends pagkatapos ng ikapitong linggo ng regular season. Dahil dito, bumaba sila mula sa tugatog ng standings noong ika-apat na linggo, sa ika-anim na puwesto. Delikado na rin ang tsansa nilang makapasok sa playoffs.



Dahil dito, isa sa mga fans ng EVOS Legends, ang TikTok user na si Neo_Kalos, ang nag-udyok kay Antimage na tulungan ang EXP laner ng koponan at pumunta sa nasabing training facility ng organisasyon.

Aminado rin naman ang fan na may problema ngayon ang EVOS Esports. Pero giniit niyang isantabi muna ito para sa kapakanan ng koponan at maka-qualify sa MPL ID S10 playoffs.



Ang sagot ni Antimage sa request ng fan na tulungan ang EVOS Legends sa ITF

Ito ang sagot ni Antimage sa fans na nag-uudyok sa kanyang tulungan ang EVOS Legends
Credit: EVOS.Antimage

Matapos marinig ang request mula sa EVOS Fam, iginiit ni Antimage na hindi niya gustong pumunta sa ITF para magpa-abot ng assistance dahil baka makasagabal ang kanyang presensiya sa paghahanda ng koponan.

“How’s that? It’s not that I don’t want to, but they already have a coach too. I’m also now a publicer who still follows the META, but rarely plays. Although actually you can learn tips,” paliwanag ni Antimage sa kanyang YouTube channel.

(Paano ‘yon? Hindi naman sa hindi ko gusto, pero may coach na rin sila eh. Tagapanood na lang din ako na nakakasabay pa sa meta pero hindi na masyadong naglalaro. May mao-offer pa rin naman akong tips.)

Ito ang sagot ni Antimage sa fans na nag-uudyok sa kanyang tulungan ang EVOS Legends
Credit: EVOS Esports

“Mereka juga tidak minta dan nanti kalau saya datang ke sana, takutnya malah diusir. Kalau bisa bantu sih sebenarnya mau saya bantu. Musim sebelumnya juga saya sama Pendragon banyak sharing.

Kalau Pendragon dan Saykots nanya, pasti akan saya bantuin sih. Tetapi selama mereka tidak membutuhkan saya, ya sudah lah. Kalau mereka butuh dan nanya, pasti akan saya ladeni. Kalau mereka memang butuh saya untuk datang (ke ITF), ya sudah (siap datang),” dagdag pa niya.

Ito ang sagot ni Antimage sa fans na nag-uudyok sa kanyang tulungan ang EVOS Legends
Credit: EVOS. Antimage

(Hindi rin naman sila nagsabi noong naroon ako… Kung makakatulong, gusto ko naman tumulong. Noong nakaraang season naman kasama ko rin si Pendragon at marami akong naturo sa kanya.

Tutulungan ko sina Pendragon at Saykots. Pero kung hindi nila ako kailangan, okay lang. Pero kung kailangan nila, magsabi lang sila. Kung kailangan talaga nila ako na pumunta sa ITF, handa rin akong pumunta.)



Dahil parte pa rin naman ng EVOS Esports si Antimage, natural lang na makapagsilbi siya bilang gabay sa mga nakababatang manlalaro ng koponan. Sa estado ng EVOS Legends, marahil ay kailanganin nila ang ano mang tulong na maaari nilang makuha para makapasok sa playoffs.


Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Aminado si DeanKT na hindi deserve ng EVOS Legends na makapasok sa MPL ID S10 playoffs