Ibinunyag ni EVOS Legends Maxhill “Antimage” Leonardo na mga poking heroes ang mabisang pangontra sa Blacklist International.
Ito ang inilahad ni Antimage sa kanyang match analysis ng MPL Philippines Season 10 grand finals match sa pagitan ng Blacklist at ECHO. Kinonsidera niya ang draft at gameplay ng ECHO sa Game 2 bilang isang paraan para makontra ang Blacklist na kinuha ang signature Estes ni Johnmar “OhMyV33nus” Villaluna.
Sa larong ito, nag-pick ng roaming Valir ang ECHO para kay Tristan “Yawi” Cabrera at naging matagumpay ito. Dinomina ng Orcas ang laro at hindi hinayaan ni Yawi na makapag-team fight nang maayos ang Agents sa palibot ni OhMyV33nus.
“Is this the answer to defeating Blacklist? Indonesian teams don’t need to pick hero moments, right?” wika ni Antimage sa kanyang YouTube content.
“The important thing is that pick hero poking. Blacklist is (getting) confused because they lose HP, (then ECHO) wins the objectives,” dagdag pa niya.
Inamin ni Antimage na hindi palaging epektibo ang Valir laban sa Blacklist International
Pero sinabi ni Antimage na ang pagkuha ng Valir bilang counter sa Blacklist ay hindi palaging gagana. Dedepende pa rin daw ito sa magiging heroes nila, kagaya na lang sa draft nila noong Game 3 kung saan kumuha sila ng Mathilda, Barats at Pharsa.
“The point isn’t always going to be good guys. Even though I think Valir is a counter o Blacklist, if the heroes are like these, Valir will not be the right answer,” paliwanag niya.
Imbes na Valir, kinuha ng ECHO ang Jawhead para kay Yawi at isang unconventional Grock pick naman para kay EXP laner Sanford “Sanford” Vinuya. Nailista muli nila ang panalo sa Game 3 para sa 2-1 kalamangan sa serye.
Gayunpaman, nakahanap ng paraan ang Blacklist simula sa Game 4 kung saan bumida ang Benedetta ni Finals MVP Edward “EDWARD” Dapadap. Tuluyan nilang sinungkit ang ikatlo nilang kampeonato sa liga sa pamamagitan ng 4-2 panalo sa serye.
Gamit ang kakaibang draft, naipukol pa rin ng Blacklist International ang tagumpay. Nilabas nila ang kanilang cheese pick na jungle Guinevere at jungle Valentina ni Danerie James “Wise” Del Rosario sa huling dalawang laro ng serye.
Nangangahulugan ito na marami pa talaga dapat abangan sa laro ng Blacklist, lalo na para sa mga Indonesian teams na magkakaroon ng tsansang harapin sila sa ONE Esports MPL Invitational at M4 World Championship.
Para sa mga balita at guides patungkol sa Mobile Legends, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Hango ito mula sa akda ni Verdi Hendrawan ng ONE Esports Indonesia.
BASAHIN: Item build ng Lesley na nagpa-champion sa ONIC Esports sa MPL ID S10