Itinuturing ng sumpa para sa koponan ng Alter Ego ang mga pagkakataong lalabas ang bagong updates sa gitna ng season. Ito ay dahil malimit itong dahilan kung bakit sila sumasadsad sa standings kung pagbabasihan ang kanilang performances sa mga nakaraang seasons ng MPL Indonesia.

Gayunpaman, mistulang napagtagumpayan na ng AE ang hadlang na ito dahil maganda ang kinalabasan ng kanilang Season 10 bagamat may sumundot na patch sa gitna ng kanilang kampanya.

Kaya naman ang hosts ng EMPESHOW, tiwala ngayon sa kakayahan ng team na makapunta sa presitihiyosong M4 World Championship.


May ‘secret weapon’ daw ang Alter Ego sa gugulong na MPL ID S10 playoffs

Credit: Jonathan Liandi

Sa isang episode ng EMPESHOW, nagbahagi ng komento ang panelists na sina Ko Lius, KB, Antimage and Jonathan Liandi tungkol sa ipinakitang performance ng Alter Ego sa pagtatapos ng MPL ID S10 regular season.

Bagamat bigo kontra ONIC Esports, batid ni Ko Lius na malaki ang improvement ng koponan sa ikalawang bahagi ng season kung kaya’t tiwala siyang makakaya ng team na makalusot papunta sa M4 Worlds.

Pasabog ang komento ng panelist tungkol sa tiyansa ng Alter Ego sa M4. “If I look at how they (AE) play, even the chance of Alter Ego representing M4, honestly, in my view is greater than RRQ.”

Credit: Jonathan Liandi

Gayundin ang tantiya ni Antimage sa kakayahan ng AE pagdako ng playoffs. Kahit pa mukhang mas matikas daw ang Aura Fire kontra sa AE sa regular season, naniniwala daw ang former EVOS Legends pro na mas malakas ang koponan na pinangungunahan ni Udil.

“AE are strong candidates in my opinion in the playoffs this season. AURA is more evolved than Alter Ego, but now we see, AE doesn’t want to lose. AE is more developed than AURA,”

“In my opinion, AE has a greater chance of becoming a representative in M4, being in the top 3 (playoff) teams,” dagdag pa ng dating star ng White Tigers.

Si KB naman, teknikal ang atake sa kaniyang argumento. Aniya, may itinatago daw na lakas ang hero draft ng Alter Ego na hindi puwedeng maliitin ng mga teams na lalahok sa postseason play.

“In my view, AE really has a greater chance because they have a kind of ‘magic spice’ where some of their drafts I think are far from their comfort zone and only they (AE) can bring it,” sabi ng panelist.

Malaki rin daw ang epekto ng Magic Sentry update sa performance ng grupo ngayong MPL ID Season 10 dahil isa daw ang team sa mga pinaka-epektibong gumamit nito. “That’s what the other 5 teams probably don’t have. Even in the Philippines, not many teams can take advantage of Magic Sentry,”

Credit: Mobile Legends

Magagawa kaya ng Alter Ego na masipa ang paboritong ONIC Esports at RRQ Hoshi papunta sa M4 representation?

Pagsasalin ito sa sulat ni Cristian Wiranata Surbakti ng ONE Esports ID.

BASAHIN: Ang dahilan kung bakit wala si Dlar sa roster ng EVOS Legends sa Piala Presiden 2022