Isa si Albert “Alberttt” Iskandar ng RRQ Hoshi sa mga pinakatanyag na jungler sa mundo ng propesyunal na Mobile Legends: Bang Bang.
Kilala ang agresibo niyang playstyle, lalo na kung gumagamit ng mga assassin na kailangan ng mataas na mechanical skill. Ilan sa mga signature heroes ng tubong Bali, Indonesia ang Ling, Fanny, at Lancelot.
Pero sa gumugulong na ika-10 season ng MLBB Professional League Indonesia, kapansin-pansin na bibihira humawak ng malilikot na hero ang manlalaro. Sa loob kasi ng pitong linggo ng regular season, nakagamit na si Alberttt ng 10 heroes, at ito ay sina Akai, Balmond, Benedetta, Chou, Julian, Karina, Lancelot, Ling, Paquito, at Hayabusa.
‘Di na raw tutok si Alberttt sa mga assassin ngayon
Noong mga nakalipas na buwan, kung kailan unang naipakilala sa liga ang jungler tank meta, inamin ni Alberttt na hindi siya kumportable na gumamit ng mga tank heroes para sa kanyang posisyon. Bakas ito sa naging performance niya, bagamat nagawa pa rin nilang maselyo ang kampeonato noong MPL ID S9.
Ngayong season, tila may bagong mindset si Alberttt. Sa isang panayam kasi matapos ang kanilang tagumpay kontra Alter Ego noong ikapitong linggo ng regular season, inamin niyang wala na siyang pake kung sino man ang ipagamit sa kanyang hero.
“Saya main tank (jungler) sudah tak masalah. Sudah mulai biasa saja. Mau main hero fighter, assassin, atau tank jungler sama saja semua,” aniya.
(Okay na kahit maglaro ako ng tank (junglers). Nasanay na rin ako eh. Pare-pareho na lang kung fighter, asassin o tank jungler.)
Mas ramdam ngayong season na kumportable na ang manlalaro sa meta. Gamayna niya kung anong dapat gawin ano man ang herong gamitin niya, mapa assassin man na naghahabol ng kills, o tank na sumeselyo ng objectives.
Para sa karagdagang balita sa esports at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.
BASAHIN: Aminado si DeanKT na hindi deserve ng EVOS Legends na makapasok sa MPL ID S10 playoffs