Ano kaya ang mga pinagkaiba nila Alberttt at Kairi sa paningin ni Adi na naging trainer nilang dalawa?  

Ang dating RRQ coach na ngayo’y nasa ONIC Esports na, si Adi, ay naglahad ng kaniyang mga pananaw ukol sa pagkukumpara sa kakayahan nina Alberttt at Kairi. Sino kaya ang pinakamalakas sa MPL ID S11?  

Si Adi, dating kilala bilang Acil, ay dumepensa para sa RRQ simula ng MPL ID S4. Matapos ang kanilang pagkatalo sa M1 World Championship, lumipat siya sa Genflix Aerowolf bago siya bumalik sa pag-handle sa mga players ng The King sa MPL ID S7 patungong M4 World Championship.  

Matapos makatrabaho ang mga RRQ players, pinagpatuloy ni Adi ang kaniyang career bilang MLBB coach sa kaniyang pagsali sa ONIC Esports. Kahit na hindi pa siya isang matagal na myembro ng Hedgehog Team, nakikita at nararamdaman niya first-hand ang pagkukumpara kina Alberttt at Kairi na itinuturing dalawa sa pinakamalakas na junglers ng MPL ID.  

Adi: Magkasing-l akas sina Alberttt at Kairi, iba lang ang kanilang mga ugali 

MLBB Adi
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

Matapos ang match ng ONIC Esports vs RRQ sa week 2 ng MPL ID S11, sinagot ni Adi ang pagkukumpara kina Alberttt at Kairi. Ngunit sinabi ng coach na walang pinagkaiba ang dalawang junglers sa lakas.  

Sabi ni Adi na sinubukang gayahin ni Kairi si Alberttt sa bawat paraan. 

“I see (both of them) are exactly the same. I was also quite surprised when I first met Kairi at ONIC, she really was like Alberttt’s clone,” sabi ni Adi. 
 
“I’m not saying Alberttt or Kairi are better, but they are really the same version of different countries. Even to the point of being the same. Who is better? Both are the best,” ani niya.  

MLBB
Credit: Dhonazan Syahputra/ONE Esports

Pagdating sa paglalaro ng MLBB, kilala sina Alberttt at Kairi bilang top assassin users. Silang dalawa ay marunong na rin ngayon mag-jungler tank gameplay matapos ang mga nangyari sa META.  

Sundan ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa balita, resulta, at updates tungkol sa MLBB.