Lahat ng hero sa Mobile Legends: Bang Bang ay may kanya-kanyang lakas pero hindi lahat ng hero ay magandang ipang-invade ng jungle.
Dahil sa paraan kung paano ito ginagawa, kailangan ng mga partikular na katangian ng mga hero at mga skill nila para maging matagumpay ang pag-delay o pag-agaw ng buff sa kalabang jungler. Ilan na dito ang taglay na kakunatan o mobility, crowd control, at mataas na damage.
Kaya naman inilista na namin ang lima sa pinakamagandang ipang-invade ng jungle.
Top 5 hero na mabisang pang-invade ng jungle
Tigreal
Si Tigreal ang unang papasok sa isip kung paguusapan ang mga hero na mabisang ipang-invade ng jungle salamat sa Sacred Hammer. Bukod kasi sa hindi ito mahirap patamain, nabibiyabit nito hindi lang ang jungle creep na nais mong ma-reset ang buhay, kung hindi pati na rin ang jungler na nais kumuha ng buff.
Iilan lang din ang mga hero na may kakayahang mang-stun nang dalawang beses gamit lang ang isang skill, lalo na sa unang level. Bonus pa kay Tigreal ang taglay niyang kakunatan, bagay na makatutulong kung sakaling i-punish ito sa pangi-invade ng jungle.
Franco
Ang kakayahan niyang mang-invade ng jungle ang pangunahing dahilan kung bakit matagal nawala si Franco kaya naman hindi pwedeng mawala ang nasabing hero sa listahang ito.
Gaya ng Sacred Hammer, may kakayahan ang Iron Hook na baguhin ang puwesto ng sino mang tatamaan nito. Bagamat isang target lang ang pwedeng maapektuhan nito at hindi rin ganoon kadali patamain, hindi naman kailangan lumapit ni Franco sa kalaban para i-cast ‘to.
Sa early game, mas maganda kung sa creep mapapatama ang Iron Hook kesa sa kalabang jungler, puwera na lang kung may kakayahan kayong patayin ito.
Jawhead
Gaya sa mga naunang hero na magandang ipang-invade ng jungle, may skill din si Jawhead na pwersahang binabago ang positioning ng matatamaan—ang Ejector.
Pero ‘di tulad ng Sacred Hammer o Iron Hook, isa lang ang natatamaan ng skill na ‘to ni Jawhead, at kailangan niya rin lumapit para mapatama ito. Dahil wala itong target, ang pinakamalapit na unit (kakampi man o kalaban) ang target nito, pero prioritized ang hero.
Kaya kung gagamitin si Jawhead para ipang-invade ng jungle, siguraduhin ang iyong posisyon para ang tamang target ang tamaan ng Ejector.
Chou
Bagamat ang ultimate ni Chou ang may kakayahang makapagpabago ng positioning, isa pa rin ito sa pinakasikat na pang-invade lalo na sa professional scene.
Sulit kasi ang damage na naibibigay ng Jeet Kune Do, pati na rin ang knock up sa ikatlo nitong atake. Sa maayos na timing, hindi lang nito made-delay ang pagkuha ng buff, kaya rin nitong maka-agaw sa tulong burst damage mula sa Concussive Blast talent ng Tank emblem.
Bukod sa damage, may mobility din na kaakibat ang nasabing skill na maaaring gamitin ni Chou para makatakas kung sakaling i-punish ang kanyang pangi-invade.
Natalia
Wala mang pang-stun o skill na nakakapagpabago ng posisyon gaya ng mga unang hero, hindi pa rin pwedeng mawala sa listahang ito si Natalia.
Hindi kasi matatawaran ang burst damage potential ng hero kahit pa sa simula pa lang ng laro dahil sa passive nitong Assassin Instict. Sa tulong nito, kayang-kaya ng hero na maagaw ang unang buff ng kalabang jungler lalo na kung titipirin niya ang Retribution para sa Lithonwanderer.
Sa mas matataas na lebel ng paglalaro, hindi lang pang-invade ng jungle mabisang gamitin si Natalia kung hindi pang-cut din ng minion waves.
Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
BASAHIN: Jungle invade sa MLBB: Ano, para saan, at paano ito ginagawa