Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang Pendekar Esports sa kanilang unang game sa Mobile Legends: Bang Bang Development League Indonesia Season 7 (MDL ID S7). Naging mainit kaagad ang dalawang Pinoy players ng Pendekar na sina Frediemar “3MarTzy” Serafico at Christian “Rafflesia” Fajura sa pagsisimula ng tournament sa kanilang match laban sa RRQ Sena,
Sobrang ganda ng ipinakita ng dalawang Filipino imports sa kanilang debut match, kung saan sila ang naging utak sa likod ng gameplay ng Pendekar Esports.
Suportado ng pambihirang mechanical abilities nina Idaman, Baymax, at Speechless na nagpapalit-palit ng roles para maging midlaner, napatunayan ng Pendekar na isa sila sa mga teams na dapat abangan sa MDL.
Isang magandang game na kakikitaan ng perfect macros ang nasaksihan ng marami. Ang RRQ Sena, na ‘di hamak na mas eksperiyensado, ay bumagsak at walang nagawa sa kamay ng Pendekar Esports, salamat sa Pinoy duo na naghatid sa kanila sa tagumpay sa score na 2-0.
Mabagal na simula para sa Pendekar sa kanilang unang game
Naging mabagal ang tempo sa unang game ng Pendekar laban sa RRQ Sena. At tulad ng inaasahan, marami ang gustong makita ang performance nina 3MarTzy at Rafflesia.
Gayunpaman, dahil sa kanilang team composition na magiging epektibo lamang sa mid-game, hindi minadali ng Pendekar ang laro. Tinamaan pa nga ng first blood si 3MarTzy na nagpahirap sa kanyang makasabay gamit ang kanyang Yu Zhong.
Ngunit dahil sa mahusay na macro game at swabeng rotation, naging maganda ang laro ng Pendekar sa kanilang mga lane minions.
Hanggang sa pumelo na ang power spike nina Karrie, Kadita, at Yu Zhong, rumagasa na ang squad sa mga team fights dala ang dalawang Petrify nina Kadita at Yu Zhong, idagdag pa ang Bloody Hunt ng Franco ni Rafflesia.
Wala nang nagawa ang RRQ Sena simula mid-game at malinis na kinuha ng Pendekar ang unang game.
Benedetta-Chou combo ng nina 3MarTzy at Rafflesia
Sa game two, pinatunayan ni Rafflesia na kaya niyang pamunuan ang team gamit ang classic hero options. Naging dominante siya sa mapa gamit ang kanyang roamer Chou.
Sinamahan pa ito ng Benedetta pick ni 3MarTzy, maagang namitas ng mga kalaban ang dalawang agresibong Pinoy players.
Masasabing sobrang ganda ng takbo ng kanilang gameplay at rotation dahil wala na halos nagawa ang Fanny ng RRQ Sena jungler na si Slowly. Talaga namang napigilan ang kanyang mga galaw mula pa noong early game.
Sadyang napakaganda ng chemistry ng Pendekar Esports. Isang patunay na maganda ang komunikasyon sa isa’t isa ng kanilang mga players sa kabila ng pagkakaiba ng kanilang mga lenggwahe. Sinimulan ng Pendekar ang kanilang MDL ID S7 run sa isang 2-0 win.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.