Sina 3MarTzy at Rafflesia ang dalawang sa pinakabagong Filipino Mobile Legends: Bang Bang players ang in-import para maglaro sa MLBB Development League Indonesia (MDL ID).

Opisyal na inanunsyo ng Pendekar Esports ang pagsanib ng mga dating ECHO players para sa ikapitong season ng nasabing liga. Pupunan ni 3MarTzy ang EXP laner, habang roamer naman ang gagampanan ng two-time MLBB Professional League Philippines (MPL PH) champion na si Rafflesia.

3MarTzy at Rafflesia bibida sa MDL ID team na Pendekar Esports
Credit: ECHO

Matagal nang bulong-bulungan ang paglipad nina 3MarTzy at Rafflesia sa Indonesia, lalo na noong magpaalam ang ECHO sa reserved EXP laner nila bago magsimula ang M4 World Championship.


Roster ng Pendekar Esports para sa MDL ID

3MarTzy at Rafflesia bibida sa MDL ID team na Pendekar Esports
Credit: Pendekar Esports
  • Iqinoo (Jungler)
  • REYYY (Gold Lane)
  • Floki (Mid Lane)
  • FELL (Mid Lane)
  • Bravo (EXP Lane)
  • Poizy (Talent)
  • Dream (Jungler)
  • Speechless (Mid Lane)
  • BayMax (Gold Lane)
  • 3Martzy (EXP Lane)
  • Rafflesia (Roamer)


Coach Flysolo, sasamahan sina 3MarTzy at Rafflesia sa Pendekar Esports

3MarTzy at Rafflesia bibida sa MDL ID team na Pendekar Esports
Credit: Coach Flysolo

Bukod sa dalawang Pinoy imports, kinuha rin ng Pendekar Esports ang dating assistant coach ng ECHO na si Kenneth “Flysolo” Coloma.

Matatandaang nagsilbi na rin bilang coach ng isang MDL ID team na Pabz Esports si Flysolo noong nakaraang season. Kaso nga lang, hindi naging matagumpay ang naging kampanya niya matapos mauwi sa ika-13 puwesto ang kampanya ng kanilang koponan.

Ngayon, muling magsisilbi si Flysolo bilang head coach ng Pendekar Esports, kasama ang dalawang assistant coaches na sina Patapon at Rirvi.


Samantala, nakatakda namang iraos ang ikapitong season ng MPL ID simula ikapito ng Pebrero.

Para sa karagdagang esports balita, guides, at highlights, i-follow lang ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

BASAHIN: MPL PH S11 magsisimula sa February 17