Magkahalo ang naging resulta para top two teams ng M4 World Championship sa gumulong na 32nd SEA Games Team SIBOL MLBB Qualifers Quarterfinals, Sabado.
Kinailangan ng ECHO ng tatlong laro para malampasan ang Big Four Global na binuo ng ilang TNC Pro Team ML players mula MPL Philippines Season 10. Samantala, kinulang ang bagong-pormang lineup ng Blacklist International kaharap ang ONIC Philippines, 1-2.
Hindi pinayagan ng M4 World Champions na agad na mapatalsik sa kanilang tangka na buuin ang SIBOL MLBB team na sasabak sa Cambodia ngayong 2023.
Isinalang ng Purple Orcas ang kanilang paboritong picks para pagulungin ang team fight potential sa krusyal na game three para pataubin ang mga nangahas na Big Four. Nagtala ng 13/3/21 total KDA ang magkabilang sidelaners na sina Sanford “Sanford” Vinuya at Benedict “Bennqyt” Gonzales para pangunahan ang team papunta sa Top 4.
Sa kabilang panig, bigo ang Blacklist International na paganahin ang kanilang MV3 lineup katuwang ang jungler na si Ian Jakob “Rindo” Seguiran at ang dating NXPE EXP laner na si Renejay “RENEJAY” Barcase. Kinulang ang koponan sa game three na pinagharian ng Joy ni Nowee “Ryota” Cabailo na pumako ng perpektong 3/0/3 KDA.
Bagamat hindi matagumpay ang unang sabak RENEJAY para sa Blacklist, hindi naman binigo ng beterano ang fans na nanood sa kaniyang debut. Ipinamalas ng taga-Bataan ang kamandag ng paborito niyang Chou sa game two para ipukol ang 2 kills at game-best 10 assists kontra isang death upang makalawit ang equalizer.
Gayunpaman, sa Top 8 na matatapos ang tangka ng Blacklist lineup na makalahok sa pool ng SIBOL MLBB combine.
Top 4 teams ng 32nd SEAG SIBOL MLBB Qualifiers
- GameLab
- ECHO
- ONIC PH
- BREN Esports
I-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook para sa pinakahuli tungkol sa Mobile Legends.
BASAHIN: Kinumpirma na ba ni Wrecker ang pagsanib ni H2wo sa hanay ng RSG PH?