Usap-usapan ngayon ng mga Pinoy at Indonesian Mobile Legends fans ang posibleng paglipat ni Smart Omega gold laner Duane “Kelra” Pillas sa ibang koponan at ibang bansa pa nga partikular na ang Indonesia. Ito’y matapos hindi makakuha ng tagumpay ang Barangay ngayong taon.
Sa kasagsagan ng 2022, hindi nanalo ng kampeonato ang Smart Omega sa MPL Philippines Season 9 at 10. Kinapos din silang madepensahan ang korona sa Mobile Legends Southeast Asia Cup (MSC) 2022 at maagang napatalsik sa ONE Esports MPL Invitational 2022 kamakailan.
Ang potensyal na maglaro ang star player sa Indonesia ay lalong nagiging malinaw dahil sa mga senyales na umuugong ngayon sa social media. At kamakailan pa nga ay napapabalitang lilipat siya sa ONIC Esports ng Indonesia bilang reserve player. Totoo nga ba ito?
Mga iba’t-ibang pahiwatig na lilipat si Kelra sa ONIC Esports sa MPL Indonesia
Instagram story ni Kelra
Sa pamamagitan ng kanyang Instagram account, ipinahiwatig ng 17-year-old MLBB pro na lilisanin na niya ang Smart Omega at maglalaro sa labas ng Pilipinas. Indonesia, Malaysia at Singapore ang napapabalitang lilipatan niya, at sa huli ay nalimit ito sa Malaysia at Indonesia.
Ipinakita kamakakailan sa kanyang Instagram story ang kagustuhan niya na maglaro sa Indonesia. Sunod na tinanong niya ng opinyon ang isa sa kanyang mga kaibigan na si Gerald “Dlar” Trinchera na ngayon ay nasa EVOS Esports ng Indonesia.
Mukhang sumang-ayon naman si Dlar at binigyan siya nito ng menshae ng pagsuporta. Gayunpaman, hindi pa rin malinaw kung saan talaga pupunta ang gold laner.
Ang nasabi ni SamoHT ng ONIC ID sa livestream
Sa isang livestream session kasama sina dating EVOS Legends player Gustian “REKT” at kasaluyang Aura Fire jungler Jehuda “High” Sumual, nadulas si ONIC Esports roamer Thomas “SamoHt” Obadja at nasabing nakalaro niya si Kelra.
“Si Kelra bilang kalau dia main sama … eh di server Indonesia 50-60 (ping-nya),” wika ni SamoHT. (Sinabi ni Kelra na noong naglaro siya sa Indonesian server nasa 50-60 ang ping niya.)
Mula dito ay napatanong na sina REKT at High kung nasa ONIC na nga ba ang Pinoy gold laner. “Loh, sudah di ONIC nih Kelra? Wah pemain-pemain K, Kairi Kelra (di ONIC) ya. Kemarin belum tahu Kelra mau ke mana jelas sekarang ke ONIC di spill SamoHT ya guys,” saad ni REKT. (Ibig sabihin ba nasa ONIC na si Kelra? Wow, K players, Kairi, Kelra sa ONIC. Kahapon, ‘di ko pa alam kung saan pupunta si Kelra. Ngayon malinaw na sa ONIC siya dahil sa spill ni SamoHT guys.)
Mapapansin sa kanilang sumundo na pag-uusap na tila may itinatago si SamoHT na konektado sa posibleng paglipat ng isa na namang Pinoy sa ONIC. Kung magkatotoo nga ito, siguradong malaking balita ‘to.
Facebook post ni Z4pnu
Sa isang Facebook post, direktang sinabi ng kanyang kakampi at MPL PH veteran na si Billy “Z4pnu” Alfonso na lilipat ang kanilang star gold laner sa ONIC ID.
Sakaling magkatotoo ito, makakasama niya si Pinoy jungler Kairi “Kairi” Rayosdelsol na naging matagumpay sa kanyang debut season para sa koponan ng Yellow Hedgehogs.
Itinanghal na Regular Season at Finals MVP si Kairi matapos pangunahan ang kampanya ng ONIC patungo sa kampeonato sa MPL ID Season 10.
Para sa mga balita at guides patungkol sa Mobile Legends, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Hango ito sa artikulo ni Cristian Wiranata Surbakti ng ONE Esports Indonesia.