Magsisimula na ngayong araw ang Mobile Legends: Bang Bang Professional League Invitational 2022 ( MPLI 2022) at sabik na ang fans na makita ang aksyon sa pagitan ng mga koponan mula sa iba’t-ibang MPL regions.

Pangunahin sa mga inaabangan ang hero picks na isasalang ng teams ngayong gumulong na ang Mobile Legends patch 1.7.24 na nagbigay ng ilang adjustments sa mga heroes na bihira o hindi nagpakita sa gumulong na liga.

Credit: Moonton

Malimit na pasabog ang hero picks sa jungler role lalo na’t dominante ang sustain at tanky heroes sa posisyon. Ganoon pa rin ang inaasahan na lalabas ngayong MPLI 2022, ngunit may ilang picks na pinapalagay na bubulaga sa mga kalahok sa international na kumpetisyon.

Heto ang 3 offmeta heroes na maaaring magbalik bilang jungler sa MPLI 2022:


3 junglers na puwedeng lumabas ngayong MPLI 2022

Leomord

Credit: Moonton

Napakaganda ng adjustment na ibinigay sa Leomord sa gumulong na patch 1.7.24 kung kaya’t hindi malayo na lumabas uli ang fighter bilang jungler sa MPLI 2022. Pambihira ang epekto ng pagpapataas ng HP requirement (mula 35% papuntang 50%) para ma-activate ang kaniyang The Oath Keeper passive kung saan Critical Hit Damage ang karga ng kaniyang Basic Attack.

Mas mababa na din ang cooldown ng kaniyang Decimation Assault (mula 14-9s papuntang 10s; Enhanced: 7.5-5s to 6s). Ngunit ang pinakamalaking pagbabago sa fighter ay ang malaking dagdag sa kaniyang defense stats kapag naka-activate ang kaniyang Phatom Steed Ultimate.

Mula 40-80 defense buff ay umakyat patungong 30-110 ito kung kaya’t kaya na ng Leomord na makatagal sa labanan at humarap sa sustain junglers na tipikal sa meta. Karga ang masakit na damage at karagdagang kunat ay magandang opsyon ang Leomord bilang jungler.


Hayabusa

Credit: Moonton

Nagdiwang ang Hayabusa mains matapos mabigyan ng adjustment ang hero sa pinakahuling update. Malaki kasi ang magiging epekto ng karagdagang duration (mula 5s papuntang 6s) ng Ninjutsu: Quad Shadow dahil mas magagawa ng hero na maglabas-pasok sa team fights, o di kaya naman ay makanakaw ng objectives.

Bagamat hindi malimit na nakita ang assassin sa nakaraang MPL season, inaasahan makakabalik na sa entablado sa MPLI 2022 ang Hayabusa dahil may buff din sa kaniyang Ougi: Shadow Kill (mula 130-150 base damage at 45-55 extra damage patungong 140 base damage at 45-85 extra damage).

At dahil marami sa mga koponan na kalahok sa MPLI 2022 ang paborito ang assassin junglers ay hindi malayong makapasok ito sa draft.


Martis

Credit: Moonton

Isa pang hero na binigyan ng buff ang Martis. Magagawa na ngayon ng hero na makatagos sa maninipis na pader na mas mapapadali ang rotation niya sa jungle gamit ang kaniyang Mortal Coil.

Ngunit ang pinakamalaking pagbabago ay ang adjustment sa kaniyang Ashura’s Wrath passive kung saan makakakuha ng adisyunal an 10-150 attack damage ang hero kapag puno ang kaniyang stacks. Ibig sabihin ay kahit defensive items ang buuin para sa hero ay magagawa pa rin niyang makakuha ng jungle creeps ng mabilis.


Gaano kaya kaposible na makita ang heroes na ito sa MPLI 2022? Panoorin ang mga bakbakan sa livestream sa Facebook ng ONE Esports Philippines.

BASAHIN: Papatunayan ng Burn X Flash ang kanilang husay sa MPLI 2022