Patuloy ang pagbabago ng mga meta heroes sa MLBB dahil sa patuloy na pagbabagong inilalatag ng mga developer sa tulong ng mga manlalaro.

Pero sa kabila ng mga pagbabagong ito, meron pa rin mga hero na hindi basta-basta nawawala sa meta. Ito ‘yung mga hero na kahit ilang season na ang nakalipas, patuloy pa rin ang kanilang pamamayagpag sa pinakamataas na lebel ng kompetisyon gaya ng MPL o M-series events.

Sa MPL ID Season 9, may iilang meta heroes na nananatiling mataas ang win rate kahit pa matagal-tagal na silang inilabas.

Narito ang listahan ng mga meta heroes sa MLBB na patuloy na nangingibabaw sa MPL.


3 meta heroes sa MLBB na nanatiling malakas

Esmeralda

3 meta heroes sa MLBB na hindi basta-basta mapapalitan
Credit: Moonton

Halos hindi nawala ang pagiging meta ni Esmeralda sa EXP lane kahit pa ilang beses na rin siyang in-adjust at ni-nerf.

Ito ay kahit may mga bago nang hero na swak sa nasabing role, gaya nina Yu Zhong, Gloo, at Edith. Lahat ng mga nabanggit ay naging mas magandang pick kumpara kay Esmeralda para sa role pero wala sa kanila ang naging mas popular sa Tank/Mage hero.

Matapos ang ika-apat na linggo ng MPL ID Season 9, isa si Esmeralda sa mga may pinakamataasa na pick rate kasama nina Yve at Paquito. Bagamat hindi ganoon kataas ang kanyang win rate, hindi pa rin humuhupa ang presensiya ng nasabing hero sa turneo.

Sa 65 games na nilaro matapos ang halfway point ng regular season, 33 beses napili si Esmeralda habang 16 beses naman siyang na-ban. Pitong laro lang ang lamang ni Yve, ang most-picked hero sa kasalukuyan.


Chou

3 meta heroes sa MLBB na hindi basta-basta mapapalitan
Credit: Moonton, ONE Esports

Gaya ni Esmeralda, isa rin si Chou sa mga meta heroes sa MLBB na hindi mawala-wala sa meta. Madalas piliin ang Fighter na ‘to para punan ang role ng EXP lane at roamer.

Sa 65 games na nilaro sa MPL ID Season 9, 30 beses na-pick si Chou. Siya ang ikalima sa most-picked heroes kasama ni Mathilda.

Para sa mga matatagal nang sumusubaybay sa MPL, tiyak na matatandaan niyong hindi lang ito ang season na namayayagpag si Chou at mukang hindi rin ito ang huli.


Selena

3 meta heroes sa MLBB na hindi basta-basta mapapalitan
Credit: Moonton

Base sa data ng Mobile Legends Fandom, si Selena ang ika-63 hero na inilabas ni Moonton. Maaaring sabihin na lumang hero na ang Assassin/Mage, pero nananatili siya sa bilang isa sa mga meta heroes sa MLBB.

Sa ngayon, mas madalas gamitin si Selena bilang roamer dahil sa mataas niyang movement speed. Mabisa rin ang Abyssal Arrow para makarespunde sa ibang lane, at Abyssal Trap na nagbibigay ng vision.

Sa unang half ng MPL ID Season 9, 13 beses lang napili si Selena. Pero isa siya sa mga most banned matapos ma-ban ng 34 beses.

Patunay ito na kinakatakutan pa rin ang hero sa pinakamatataas na lebel ng kompetisyon. Ikaw-apat si Selena sa most-banned hero matapos nina Valentina, Fanny, at Lancelot.


Para sa karagdagang balita, guides, at features tungkol sa MLBB at MPL ID, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: 4 na dahilan bakit malakas pa rin sa MPL meta si Chou