Maraming heroes ang pwedeng pangontra kay Paquito. At dahil sa taas ng popularity nya sa unang linggo ng MPL ID S9, narito ang tatlong heroes na pwedeng gamitin laban sa kanya.

Isa pa rin si Paquito sa mga S tier heroes sa Mythical Glory at competitive level. Durability, mobility, at damage ang ilan sa mga dahilan kung bakit napakalakas ng hero na ito.

MLBB Pacquiao Paquito side by side
Credit: Moonton

Naging mandatory hero si Paquito sa mga A-class Mobile Legends palyers. Dahil sa kanyang flexibility, maaari syang gamitin sa EXP lane, gold lane, at pati na rin bilang jungler.

Sa kabila nito, nagsimulang magkaron ng mga harang sa paggamit ng Heavenly Fist, lalo na nang maatutunan ng mga players ang pangontra dito.

3 hero na pangontra kay Paquito

Dapat maging maingat ng mga Paquito users. Mataas ang potensyal ng hero na ito sa ranked games, ngunit merong ilang hero couinters na pwedeng magpababa ng pagiging epektibo ng hero na ito.

Hylos

Credit: Moonton

Si Butsss ng ONIC Esports ang nag-pioner ng Hylos EXP lane para gamiting pantapat kay Paquito. Ilang beses itong nakita sa MPL ID Season 8 at MPLI.

Ang kakayahan ni Hylos na magbigay ng magical damage at stun ability ang nagpapahirap kay Paquito na magpatuloy sa kanyang mga combos.

Bukod pa dito, nangangailangan si Paquito ng cooldown para sa kanyang mga combos. Kaya habang hinihintay ito, malayang bumabawas naman si Hylos.

Bane

Credit: Moonton

Isa sa mga heroes na popular ngayon, Maaaring gamitin bilang jungler, midlaner, gold laner, at EXP laner, kayang kaya ni Bane na barahan si Paquito.

Healing ability, rapid mobility, at malakas na damage, ang lahat nang ito ay kinakailangan pangontra sa mga melee heroes tulad ni Paquito. Isa si Bane sa mga priority heroes na pang-counter kay Paquito.

Esmeralda

Credit: Moonton

Ang isa sa mga pinaka marketable na SSS tier heroes sa competitive scene. Kumpleto si Esmeralda sa mga katangian ng isang EXP laner. Mobility, durability, at kakayahang tumalon sa backline. Ilan ito sa mga dahilan kung bakita napaka-OP ng hero na ito.

Hindi problema si Paquito para kay Esmeralda. Kaya nyang i-absorb ang shield ng first skill ni Paquito at kaya nya ring makipagsabayan nang hindi nawawalan ng malaking HP.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.