Si Esmeralda ang isa sa mga pinakasikat na heroes sa Mobile Legends: Bang Bang. Isa siya sa mga nangungunang offlaner/sideliner sa meta ngayon.
Sa 1-3-1 foramtion, mabisang magsolo si Esme sa sidelane. Bukod pa dito, epektibo din siyang pangontra kay Uranus, isa ring in demand na offlaner.
Napakalaking perwisyo para sa kalaban ang kakayahan ni Esmeralda na mag-absorb ng shield, lalo na kay Uranus. Hindi nakakagulat na sina Esmeralda at Uranus ang top banned sa Mythical Glory sa kasalukuyan.
Gayun pa man, hindi ito nangangahulugan na walang pwedeng tumapat kay Esmeralda. Narito ang tatlong heroes na sinasabing maaaring pangontra kay Esmeralda.
Thamuz
Isa sa mga offlaner fighters na nanatili pa ring malakas matapos ang magdaan ang maraming patches. Si Thamuz ang perfect counter para kay Esme dahil ang hero na ito ay purong physical.
Dahil sa kanyang ability na dikidikin ang kalaban gamit ang kanyang fire wheel, samahan mo pa ng masakit na burst damage, hindi na magkakaroon ng oras si Esme na mag-regen at magdagdag ng shield.
Valir
Hindi madaling gamitin si Valir sa sidelane. Pero isa sa mga epektibong paraan para makontra si Esme ay ang paggamit ng Son of Flames. Siguradong hindi makakagalaw ng maayos o makakalapit si Esme sa burst fireball ni Valir.
May magandang halimbawa si Rivaldi “R7” Fatah ng RRQ kung paano gamitin si Valir laban kay Esmeralda. Tiyak na hindi makakapag-farm at makakapag-lane ng maayos si Esme pag si Valir ang katapat.
Gusion
Isa sa mga pinakaepektibo at bagong options sa sideliner post. Mabisang gamitin si Gusion kahit pa walang buffs. Bukod sa pagiging isang malakas na damage dealer, kaya rin niyang tumapos ng mga kalaban na may makakapal na regen.
Sina Uranus at Esmeralda ang dalawa sa mga heroes na kayang itumba ni Gusion nang mabilisan. Ito ay dahil sa malaking burst damage ni Gusion, at walang sapat na oras sina Uranus at Esme para mag-regen sa bilis ni Gusion.
Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.