Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.

Ipinagmamalaki ng kanilang bansa ang Indonesian MLBB team lalo na’t nagawa nilang mapabilang sa kasaysayan nang itaas nila ang tropeyo sa IESF 14th WEC.

Naging kapansin-pansin ang husay nina Saykots at kanyang mga kasama sa simula pa lang ng tournament. Naalis nila ang mga duda ng kanilang mga kritiko at nakatawid nang maayos sa bawat laban, hanggang sa makaharap nila ang SIBOL sa grand final.



Isang mahigpit na laban ang naganap sa pagitan ng dalawang malalakas na koponan. Subalit nakuha ng Indonesia ang dalawang magkasunod na laban na naging sanhi ng kanilang pagkapanalo 3-0 (may 1-point advantage ang Indo dahil galing sila sa upper bracket).

Merong ilang mga dahilan ang dapat punahin sa pagkapanalong ito ng Indonesia, na parehong teknikal at hindi.

3 dahilan kung bakit tinalo ng Indonesian MLBB team ang SIBOL sa IESF 14th WEC

Sa tapatang ito, inaasahan nang magiging mabangis ang laro ng mga players ng Pinas. Naging malinaw na lamang ang SIBOL sa una at pangalawang game, ngunit pinatunayan ng Insdonesia na natuto na sila.

Narito ang 3 dahilan kung bakit tinalo ng Indonesia ang Pinas.

  • Maingat na preparasyon
Indonesia MLBB National Team IESF 14th WEC
Credit: ONE Esports

Matapos ang match, inamin ng Indonesian analyst na si Steven Age na ang Pilipinas ang kanilang pinupuntirya sa IESF tournament. Pinaghandaan nila ang lahat upang matalo ang Blacklist.

“For the Filipino opponents we have prepared, even in the first meeting we are ready against them. Because inevitably I’ll eventually see you again (in the final),” sabi ni Age.

“We’ve really been training to be able to fight them,” dagdag pa niya.

  • Meta counter set-up
Indonesian National Team IESF 14th WEC
Credit: ONE Esports

Sa maniwala man kayo o sa hindi, kahanga-hanga ang kakayahan ng Indonesia na mag-counter set-up. Ipinakita ni Saykots kung paano kontrahin ang set-up ng SIBOL at kung paano ito magantihan.

Dahil dito ay nalito ang Pilipinas at naubusan ng ideya upang makabawi. Dahil sa bawat play na ihahain nila, laging may nakahandang pangontra ang national team ng Indonesia.

  • Yu Zhong ni Saykots
Saykots Indonesian MLBB team IESF 14th WEC
Credit: ONE Esports

Malakas talaga ang Yu Zhong ni Saykots at nakita naman ito sa unang laban pa lang. Ngunit hindi ito nagawang i-ban ng SIBOL. Kung kaya’t hindi nakakapagtaka na muli itong gamitin nang dalawang beses sa grand finals at naging susi ng kanilang tagumpay.

Hindi maikakaila na malaki ang naitulong ng Yu Zhong ni Saykots sa kanyang team sa grand finals. Ilang beses na nangyaring nailigtas niya ang kanyang team mula sa mga alanganing sitwasyon.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.