Na kay Kadita na ang lahat nang hinahanap mo sa isang Mobile Legends: Bang Bang mage hero.

Mero siyang mobility, crowd control, disenteng damage, at sustain na kayang baligtarin ang sitwasyon ng team fights upang maging pabor sa’yo. Maraming nagagawa ang hero na ito, sa katunayan, ang mga players sa ranked ay ginagamit siya para sa iba’t ibang mga roles.

Sa kabila ng lahat nang kanyang kakayahan, hindi madaling gamitin ang hero na ‘to. Lahat nang kanyang skills ay skill shots. Ang kanyang second skill na Breath of the Ocean ay may maliit na area of effect at delayed casting, kung kaya’t mahirap mag-stun ng kalaban.

Gayunpaman, ang isang eksperiyensadong Kadita player ay hindi dapat minamaliit. Kung ayaw mong maranasan ang poot ng Ocean Goddess sa ranked games, narito ang mga best counters na pwedeng magligtas sa buhay mo.


3 best counters kay Kadita sa Mobile Legends

Lylia

Lylia Kadita counter hero
Credit: Moonton

Wala mang crowd control ability si Lylia upang pigilan si Kadita, kaya niya namang i-bait si Kadita na gamitin ang lahat nang kanyang skills nang hindi nakakatanggap ng damage pagkatapos.

Ang kanyang ultimate na Black Shoes ay kayang ibalik ang 100% ng HP at mana na meron siya apat na Segundo ang nakalipas matapos niya itong i-cast. Ibig sabihin, kung nagawa na ni Kadita ang kanyang combo kay Lylia, pwedeng niyang i-activate ang Black Shoes para maibalik ang kanyang nawalang health at mag-counterattack habang ang lahat nang skills ng kalaban ay nagku-cooldown.

Kunin ang Purify battle spell para sa proteksyon laban sa stun at Ice Queen Wand para pwede mo siyang i-kite sa mga team fights. Ang susi dito ay ang patuloy na paggalaw bialng Lylia at huwag hayaan ang kalaban na mapatama ang mga skill shots. Laging ihanda ang Black Shoes kung sasabak sa team fights.


Kaja

Kaja Kadita counter
Credit: Moonton

Ang isang dahilan kung bakit magandang gamitin si Kaja laban sa mga malalambot na heroes tulad ni Kadita na kinakailangang dumikit para makapag-deal ng damage ay ang kanyang ultimate, Divine Judgement.

Ang kanyang ultimate ay isang suppression skill at hindi pwedeng ma-cancel ng purify. Maaari ding hilahin ni Kaja ang kalaban papunta sa kung man niya naisin, na mainam sa team fights lalo na kung malayo sa’yo ang iyong mga teammates. Kaya ding iwasan ni Kaja ang Breath of the Ocean gamit ang Lightning Bomb, isang dashing skill na may mababang cooldown.

Pwede kang magbigay ng magic damage kung gagamitin mo siya bilang midlaner o EXP laner. Kung roamer ka naman, piliin mo ang cooldown reduction items at magic resist tulad ng Athena’s Shield para sa defensive boost. Bagay na battle spell ang Flicker para sa matchup na ito, dahil pwede kang mag-Flicker papunta kay Kadita at gamitin ang Divine Judgement upang ma-suppress siya at hayaan ang iyong teammates na i-burst down siya.


Selena

Selena Kadita counter
Credit: Moonton

Kung naghahanap ka ng hero na mahirap gamitin pero sobrang rewarding maliban sa Ocean Goddess, bagay na bagay sa’yo si Selena.

Hindi lang malaki ang damagae na naibibigay niya sa mga heroes na tinatamaan ng kanyang Abyssal Arrows, kaya rin niyang magtanim ng mga Abyssal Traps sa mga bushes para magkaroon ng vision sa area na nagtatagal nang isang minute. Siguradong mahihirapan dito si Kadita, na umaasa sa pagbulaga sa mga kalaban sa pamamagitan ng pagtatago sa bush para makapag-setup ng team fights.

Dito pa lang, malilimitahan na ang kanyang kakayahan dahil kakailanganin niyang mag-cast ng Breath of the Ocean nang hindi nagtatago, at magiging madali para sa lahat na maiwasan ang stun. Kung lalaban sa Ocean Godedess, piliin ang magic damage items at ugaliing magtanim ng traps sa mga lugar na sa tingin mong paggaganapan ng team fights.

Execute battle spell naman ang bagay dito upang mapigilan ang paggamit ng Rough Waves ultimate. Kung nagsisimula ka pa lamang sa paggamit ng hero na ‘to, pwede kang mag Purify o Flicker upang makaiwas sa Breath of the Ocean skill.


Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.