Si Moskov ang isa sa pinakamalakas na marksman hero ngayon sa Mobile Legends: Bang Bang. Matapos makatanggap ng buffs sa MLBB Patch 1.6.18, naging paborito ng solo players ang Spear of Quiescence dahil sa pagiging solidong gold laner nito na kayang bumuhat ng isang laro.

Mabuti na lang at maraming kahinaan ang marksman hero na ito na maaaring maabuso gamit ang mga tamang hero. Narito ang best counters kay Moskov sa Land of Dawn.


3 best counters kay Moskov

Eudora

Credit: Moonton

Kung gusto mong manalo sa isang laro na may kalabang Moskov, kailangan mong pumili ng hero na kayang mag-dominate sa early game. At swak swak sa paglalarawang ito si Eudora. Ang rason kung bakit isa sa best counters kay Moskov ang mage hero na ito ay dahil kaya niyang ma-one-shot ang marksman o kahit sinong malambot na hero.

Kapag naabot na niya ang level 4, kaya niyang patayin ang mga malalambot na kalaban gamit ang kanyang Ball Lightning, Forked Thunder at Thunder’s Wrath combo. Kahit ang stun niya lang ay kayang ma-set up ang kanyang kakampi na patumbahin si Moskov at pigilan ito na makagamit ng Abyss Walker.


Lesley

Credit: Moonton

Itinuturing si Lesley bilang tanging pangontra kay Moskov sa gold lane dala ng magagandang rason. Isa siya sa may pinakamahabang attack range sa laro kaya ligtas siya sa maiksing range ng Spear of Quiescence.

Nagiging untargetable din siya dahil sa kanyang Master of Camouflage at mabisa ito laban kay Moskov na dumedepende sa kanyang basic attacks. At panghuli, kaya niyang takasan si Moskov gamit ang Tactical Grenade.

Dahil sa mga ito, ‘di maikakaila na isa si Lesley sa best counters kay Moskov. Kaya kung gusto niyo na magsisi ang inyong kalaban sa pagpili ng Moskov, i-lock niyo si Lesley.


Chou

Credit: Moonton

Kinokonsidera bilang isa sa pinaka-flexible na hero sa Land of Dawn, si Chou ay isang solidong pick laban sa mga short-range marksman gaya ni Moskov. Kayang-kaya niyang mag-close ng gap gamit ang Jeet Kune Do at i-cancel ang knockbock effect ng Spear of Misery ultimate ni Moskov.

Ang tanging downside lang sa paggamit ng Chou ay mahirap siyang laruin kung ikaw ay isang baguhan pa lamang sa laro. Pero ‘pag na-master mo na ito at nagamit ang todong potensyal ng kanyang abilities, siguradong mapapatunayan mo na isa si Chou sa best counters kay Moskov.

Para sa mas marami pang MLBB guides tulad nito, pwede niyong i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.


Hango ito sa artikulo ni Jules Elona ng ONE Esports.