Sa mahigit dalawang linggong pamamalagi niya sa Land of Dawn, madalas pa ring bina-ban si Edith sa ranked games kaya naman nao-open ang iba pang mapanganib na heroes.
Pero hindi mo na kailangang problemahin ang unang tank-marksman sa Mobile Legends: Bang Bang. Sa mga MOBA game, laging may mga existing hero nang pangontra para sa bagong karakter na ilalabas kaya siguradong mayroon ring ganito para kay Edith.
Narito ang tingin namin na 3 best counters kay Edith sa kasalukuyang MLBB patch.
3 best counters kay Edith
Akai
Isa si Akai sa mga tunay na tank heroes sa Mobile Legends. Bagamat hindi ganun kalakihan ang damage na pwede niyang maibigay sa mga kalaban, kayang-kaya niyang mag-initiate ng team fight at hayaan ang kanyang mga kakampi na puksain ang kalaban.
Gamit ang lahat ng kanyang skills, akmang-akma si Akai na mapasama sa 3 best counters kay Edith. Isang malaking target para kay Panda Warrior na ipitin si Forsaken Warden sa isang sulok o itulak ito papunta sa kamay ng iyong mga kakampi.
Para magawa ito, ibato ang combo ni Akai na Blender (skill 2) sabay Thousand Pounder (skill 1). Bukod sa disenteng damage, nagsasanhi rin ito ng 2-second slow at 1-second stun salamat sa effect ng Blender.
Pagkatapos gawin ito, saka pakawalan ang Hurricane Dance (ultimate skill) para hindi mabitaw ni Edith ang kanyang mga skill at maging madali para sa iyong mga kakampi na patumbahin siya.
Lunox
Madalas ni pini-pick si Lunox para magsilbing sagot sa mga makukunat na lineup dahil ang mage hero na ito ay kayang magpakawala nang tuloy-tuloy na magic burst damage. At sa dahilang ito kaya isa siya sa 3 best counters kay Edith.
Swak na swak ang kanyang Power of Chaos: Darkening (ultimate) para tunawin ang mga tank tulad ni Edith gamit ang sunod-sunod na Chaos Assault. Kaya maganda ring pantapat ang Twilight Goddess kay Forsaken Warden sa mid man o side lane.
Sa kamay ng isang matinik na Lunox user, siguradong matutunaw ang unang tank-marksman ng ML sa mga team fight at kahit sa 1v1 na bakbakan.
Natan
Bilang isang marksman, natural na may malaking damage output si Natan lalo na sa late game kung saan hawak na niya ang kanyang core items. Pero ang kanyang natatanging skills mula sa passive hanggang sa ultimate ang talagang dahilan bakit pasok siya sa 3 best counters kay Edith.
Ang passive ni Natan na Theory Everything ay tinutulungan siya na makapag-stack ng Entanglement kapag nakaka-hit siya o ang kanyang Reverse Clone ng mga kalaban. Bawat stack (na umaabot hanggang anim) ay tumatagal nang limang segundo at nagbibigay ng 15% attack speed at 7.5% movement speed para sa maximum na 90% AS at 45% MS.
Ang projectiles naman mula sa basic attack ni Natan ay bumabalik ‘pag naabot na ang maximum range nito at nagbibigay ng karagdagang 70% physical attack at 30% magic damage sa kalaban.
Ang kanyang Superposition (skill 1) at Interference! (skill 2) ay kayang makabawas nang magkahalong physical at magic damage sa kalaban. Bukod dito, kaya niyang malagay sa alanganing posisyon si Edith gamit ang gravitational attractor mula sa kanyang Interference! na skill.
Dahil naman sa kanyang Entropy? (ultimate skill), kayang-kaya ni Spacetime Walker na makipagdwelo kay Forsaken Warden. Gamit ang ultimate, pwedeng maiwasan ni Natan ang mga atake ni Edith at bigyan ito nang halos dobleng damage sa tulong ng Reverse Clone.
Gayunpaman, mahirap paganahin ang suhestiyon naming 3 best counters kay Edith kung hindi niyo pa nama-master ang mga hero na ito. Kaya naman praktisin niyo na sila para hindi niyo na problemahin pa si Edith sa inyong ranked games!
Para sa iba pang MLBB guides at news, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Binase ito sa orihinal na kathang makikita sa ONE Esports Indonesia.