Bago pa lumapag sa live servers ang League of Legends: Wild Rift patch 2.3, pinaliwanag na ni Mike “RogueFool” Breese sa dev diary ng Riot Games kung ano-ano nga ba ang mga pagbabago sa mga runes.

Ayon kay RogueFool, habang nilalatag ang mga layunin ng Riot, “We think each class of champion should have two to three reasonable options when it comes to what keystones make sense for them.” 

Para lalong bigyan ng laya ang mga players na mamili, ito ang top three rune changes na dapat mong tandaan.

1. Pagbabago sa Keystone Rune: maraming posibilidad ang bubuksan ng Phase Rush

Wild Rift Rune
Credit: Riot Games

Kleptomancy 

  • (Tinanggal) Pagkatapos gumamit ng ability, ang susunod na ability o atake na tatama sa enemy champion ay magbibigay sayo ng random item effect

Phase Rush 

  • (Bago) Bibigyan ang champion ng malaking burst ng movement speed at slow resistance ‘pag tinira o ini-skill-an ang kalaban nang tatlong beses sa loob ng tatlong segundo

Ayon sa datos ng Riot, wala masyadong pumapansin sa Kleptomancy dahil ito ay nagamit lamang sa 0.5% ng pagkakataon. Papalitan ang Keystone Rune na ito ng Phase Rush sa patch 2.3.

Kennen
Credit: Riot Games

Solid ang Phase Rush para sa mga champion katulad nina Kennen sa Baron Lane, mid na Aurelion Sol, at depende sa pagkakataon, Orianna.

Halimbawa kay Kennen, pwede siyang makipagpalitan sa lane gamit ang Thundering Shuriken, Electrical Surge, at isang palo, para bigla siyang mapabilis ng Phase Rush at makalayo agad sa range ng kalaban.

2.  Mga pagbabago sa Resolve Runes: Depensa laban sa burst, pole, at brawls

Wild Rift Rune
Credit: Riot Games

Backbone

  • (Tinanggal) Backbone: Makatanggap ng dagdag Armor o Magic resist, base sa kung ano mang stat ang mas kaunti

Bone Plating

  • (Bago) Bone Plating: Pagkatapos makatanggap ng damage mula sa kalabang champion, ang susunod na tatlong atake o abilities ng mula sa kalabang champion na iyong matatanggap ay mababawasan ng damage

Inamin ng Riot nakalilitong rune ang Backbone dahil kung ikaw ay kung bubuo ng armor bilang pangontra sa AD champion ay bibigyan ka nito ng magic resist bilang ito ang mas mas kakaunting bilang. Wala masyadong sense, diba?

Kaya sa Wild Rift patch 2.3, ang Bone Plating, na mula rin sa PC version ng League of Legends, ay babawasan na ang damage na matatanggap mula sa isang source. Pwede itong gamiting ng mga marksmen para mapataas ang tsansa nilang mabuhay laban sa mga assassin at mages.

Jinx
Credit: Riot Games

Regeneration

  • (Tinanggal) Regeneration: Panaka-nakang i-regen ang nawawalang health o mana base sa kung aling porsyento ang mas mababa

Second Wind

  • (Bago) Second Wind: Makatanggap ng pinataas na health regeneration. I-regenerate din ang bahagi ng nawawalang health pagkatapos makatanggap ng damage mula sa kalabang champion. Ang epekto na ito ay madodoble para sa mga melee champions.

Katulad ng Backbone, malabo rin ang Regeneration bilang Wild Rift rune. Ito ay papalitan ng Second Wind na mula rin sa PC version ng League of Legends. Papalo agad ang health regeneration pagkatanggap ng damage mula sa kalaban, at doble pa ang epekto nito para sa mga melee na champion.

Shoutout sa mga Baron lane fighters d’yan na madalas humarap sa melee-versus-ranged na lane matchup!

Nassus
Credit: Riot Games

Spirit Walker

  • (Tinanggal) Spirit Walker: Makatanggap ng bonus max health at slow resistance.

Adaptive Carapace

  • (Bago) Adaptive Carapace: Makatanggap ng bonus max health, pati na rin makatanggap ng pinataas na defense kapag mas mababa na sa 50% ang health

Ayon sa analysis ng Riot, madalas ay kinukuha lamang ang Spirit Walker para sa bonus max health nito.

Ang bagong Adapative Carapace rune na unique sa Wild Rift naman ay magbibigay hindi lamang ng bonus health stat gain, kung hindi pati na rin ang pinataas na resistance kapag bumaba sa kalahati ang iyong buhay.

Sakto ang rune na ito para sa mga initiator na may kakayahang baguhin ang takbo ng laro gamit ang kanilang mga abilities.

3. Pagbabago sa Inspiration Rune: Buff sa Sweet Tooth

Wild Rift Rune
Credit: Riot Games

Sweeth Tooth (Honeyfruit and Gold)

  • Bago ang Patch 2.3: Papataasin ang healing effect ng Honey Fruit, ang bawat fruit ay magbibigay din ng bonus gold
  • Sa Patch 2.3: Papataasin ang healing effect ng Honey Fruit, ang bawat fruit din ay magbibigay ng bonus gold kapag kumain ka o ang malapit na kakampi ng Honeyfruit

Para sa inyo ‘to mga support mains! Hindi niyo na kailangang makipag-away sa mga AD carry niyo para sa Honeyfruit at biyaya nitong extra gold.

Dahil kadalasan ay gahaman ang mga marksmen sa pagkuha ng gold kahit saan man ito galing, binago ito ng Riot para ang parehong duo laners na ang makinabang sa Honeyfruit.

Basahin ang buong /dev entry ng Riot Games sa Wild Rift patch 2.3 dito.