Humahataw ang League of Legends European Championship (LEC) representatives na MAD Lions matapos patumbahin ang Istanbul Wildcats na mula sa Turkish Championship League (TCL) sa Day 2 ng 2021 Mid-Season Invitational (MSI) Group Stage.

Dikit ang laban ng dalawang teams sa best-of-one match. Bagamat medyo nahirapan laban sa Wildcats, pinatunayan pa rin ng MAD Lions na mas lamang ang mga leon sa laban na ‘to.

Ang palitan laban sa Istanbul Wildcats ayon kay MAD Carzzy

Sinabi ng MAD Lions bot laner na si Matyáš “Carzzy” Orság sa ONE Esports na alam niyang mananalo pa rin sila kahit na medyo alanganin ang lagay ng laban.

“A lot of bad stuff happened because we are used to a faster type of game,” natatawang sinabi ni Carzzy.

“So there was more int-ing and playing bad because we were trying to force (it) so we’re not bored throughout the whole game. It’s bad mentality, but this is how we play.”

Nasaksihan ng mga MSI fans kung gaano kalakas ang panimula ng Lions, subalit kada lalamang sila, lagging nakakahabol ang Wildcats.

Inamin ni Carzzy na ang Nocturne ng Wildcats top laner na si Soner “StarScreen” Kaya ang naging tinik sa kanilang lalamunan sa game na ‘yon, dahil nabubulag sila sa ultimate nito na Paranoia, kung kaya’t nagkakagulo-gulo ang LEC team tuwing may team fight.

“We tried to keep the comps calm and simple because we knew that we cannot do complex rotations like we usually do,” sabi ni Carzzy. “We just tried to end by looking for good teamfights. Luckily, it worked out.”

Viable pa rin si Kai’Sa sa current meta, sabi ni Carzzy

Ang match sa pagitan ng MAD Lions at Istanbul Wildcats ang pangwalong beses na na-pick si Kai’Sa mula ng magsimula ang MSI 2021 – kahit pa kinukonsiderang non-meta pick ang void champion ayon sa MSI tier list ng T1 content creator at analyst na si Nick “LS” De Cesare.

Nasa pinakaibaba ng tier list ni LS si Kai’Sa habang sina Kog’Maw at Varus naman ang nasa tuktok.

League Of Legends MSI 2021 LS Tier List BotLane
Credit: LS

“I kinda disagree with his tier list, to be honest. I play what I feel like is the strongest at the moment and I think that Kai’Sa is pretty strong, and other teams also think so too,” sabi ng 19-anyos na Czech player.

Dagdag pa ni Carzzy, naniniwala syang naka-set na ang jungle meta sa MSI 2021, pero para sa ibang mga roles, pwede pang magbago ang meta.

Nang tanungin si Carzzy kung paano nya ire-rate ang kanyang performance sa game, binigyan nya ang sarili nya ng seven out of ten, habang five naman ang ibinigay nya para sa buong MAD Lions.

“The team would be a five, maybe even less. I don’t want to say we choked or anything, we just played bad today,” sabi ni Carzzy.

Haharapin ng MAD Lions ang Brazilian team na paiN Gaming sa Day 3 ng MSI 2021 Group Stage, na mapapanood sa official Twitch channel ng Riot Games.