Simula nang ianunsyo ni Jian “Uzi” Zi-Hao ang kanyang pagreretiro mula sa professional League of Legends scene dahil sa kanyang lumalalang kalusugan, nag-focus ang dating Royal Never Give Up bot laner sa kanyang paggaling at livestream.
Kahit pa matagal nang gustong malaman ng mga tagasubaybay ng League of Legends Pro League kung muli ba itong makakalaro sa liga, naging tahimik lang si Uzi—hanggang aminin niya kamakailan na nagbabalak na siyang bumalik sa pro scene.
Ang planong pagbabalik ni Uzi
Habang naglalaro bilang Kog’Maw sa isang ranked game sa kanyang livestream, kinuha ni Uzi ang pagkakataon upang ihayag ang mga saloobin niya tungkol sa muling pagbabalik sa LPL.
“After Summer Split ends, for real I’ll be able to go for tryouts,” kuwento ng tanyag na AD carry. “Next year, my contract ends, but my rank is only Diamond I right now. I’m afraid no team would want me.”
“I’ve got to work harder. There’s no Diamond I pro player around,” dagdag niya.
Nag-post din ang manlalaro sa kanyang Weibo, noong nakalipas na linggo, tungkol sa bumubuting kalagayan ng kanyang kalusugan. Bukod kasi sa kanyang streams, tinututukan din niya ang kanyang pangangatawan.
Tinanong din niya ang kanyang mga fans, “Do you think I look slimmer by a teeny weeny bit?”
Maisakatuparan kaya ng “best AD carry to never win Worlds” ang plano niyang makabalik sa LPL?