Matapos ang limang taon sa pro eksena, maituturing na pinakamalakas na ADC sa liga si Wong “Unified” Chun Kit ng PSG Talon. Oo, kahit kontra kina Chiu “Doggo” Tzu-Chuan at Chen “Lilv” Chin-Han. 

Kaalinsabay ng pagselyo ng pangalawa niyang PCS title sa tatlong splits at makalahok sa MSI, naging malaking dagok ang pagkakaroon niya ng mga isyu sa kaniyang kalusugan. Ito ang pumuwersa sa kaniyang magpahinga muna at panoorin na lamang makipagbakbakan ang kaniyang mga kasamahan sa pinakamagagaling na kupunan sa mundo.

Credit: PSG Talon

Lagpas pa sa inaakala ng iba ang nagawa ng PSG Talon sa MSI. Winalis nila ang North American powerhouse Cloud9 sa Group Stage at tinabla ang laban nila sa Europeong MAD Lions. Sa semifinals naman, matinding sagupaan ang inihain ng kupunan sa kalaunan ay kampyon na RNG sa apat na mainit na laro.

Pinuri ng mga fans sa ipinakitang puso at tiyaga ng team ni Unified.  “I think top four is an acceptable result,” ani niya sa panayam kasama ang ONE Esports. “The team had a good chance to win it all. It is a bit unfortunate that I wasn’t able to come along.” 

Credit: PSG Talon

Habang nagpapahinga ang matikas na ADC, naglaro para sa PSG Talon si ADC Doggo na nagpakitang-gilas kasama ang Mid Laner ng grupo na si Huang “Maple” Yi-Tang.

Pagkatapos ng magandang performance na ito, mas tumaas ang respeto ni Unified para kay Doggo. “Doggo played very well. He brought the PCS into the global spotlight. He showed that the PCS still has talent to offer,”

Gayunpaman, kumpiyansa parin ang ADC ng PSG Talon na pinakaswabe ang fit niya sa team. 

“I think if I played, we could have made the Grand Finals, although going out Top 4 is a possibility. The meta during MSI was one that really fit my champion pool. I had a lot of familiarity playing those champions,” ani ng beterano.

Naging abala si Unified sa Hong Kong kung saan nagpokus siya na pagadahin ang kaniyang kalusugan gayundin ang kaniyang gameplay. “My health is pretty good right now. Every day, I take long walks and do breathing exercises to alleviate the Pneumothorax,” banggit niya. 

Ngayong nagbabalik na siya bilang ADC ng grupo, maraming gustong patunayan si Unified sa kaniyang kupunan.

“My message to my teammates is I want us to improve. I want to keep getting better with all of you so we can perform even better at Worlds. I know I missed out on MSI, so I want to play even better.” 

Credit: PSG Talon

Ngayong nagbabalik ang PCS, siguradong malaki ang gagampanan ni Unified para sa kaniyang team.

Bottom Lane centric pa rin ang playstyle ng kupunan kahit na nasa landas ng Bruiser/Assassin Solo Lane meta ngayon ang League of Legends.

Para mapagtagumpayan ng kupunan ang PCS at maselyo ang spot nila sa Worlds, kinakailangang ibalik ni Unified ang dominante niyang playstyle na huling nakita sa nakaraang split.

Mangyayari lamang ito kung mapapanatili niya ang matikas na porma na hindi pa nagagawa ng kahit sinong PCS/LMS ADC player sa nakaraang apat na taon. Matindi ang paniniwala ni Unified siya lamang ang makagagawa nito.