Umalis na ang League of Legends content creator na si Tyler “Tyler1” Steinkamp sa T1, ayon yan sa inanunsyo kamakailan ng South Korean esports organization.
Nagtapos ang kinagiliwang tambalan na ‘to na nagsimula noong 2020 League of Legends World Championship (Worlds 2020). Sa kanyang karera kasama ang T1, umusbong si Tyler1 bilang isa sa top streamers sa Twitch at sa kasalukuyan ay mayroon siyang 4.8 million followers.
Sa ngayon, hindi pa malinaw ang kanyang susunod na destinasyon pero ang sigurado ay ipagpapatuloy niya ang kanyang pag-i-stream.
Tyler1 matapos lisanin ang T1: ‘Sad day, guys’
“We’d like to thank Tyler1 for being a part of the T1 family. We are thankful for the time you’ve spent here and all the memories made,” wika ng T1 sa isang tweet. “We will continue to watch your growth and we know you’ll continue to shine! #BuiltDifferent”
(Nais naming pasalamatan si Tyler1 sa pagiging bahagi ng T1 family. Nagpapasalamat kami sa panahon na ginugol mo rito at sa lahat ng alaala na iyong ginawa. Patuloy naming susundan ang iyong paglago at alam naming patuloy kang sisikat! #BuiltDifferent)
Sumali ang popular na LoL content creator sa organisasyon noong ika-18 ng Oktubre, 2020 at agad na gumawa ng mga content kasama ang T1 members kabilang na rito ang maalamat na midlaner na si Lee “Faker” Sang-hyeok. Bukod pa rito ang kanyang regular na LoL streaming sa Twitch.
Mula noon, inasam na ni Tyler1 na makuha ang Challenger–ang pinakamataas na rank sa League of Legends–sa lahat ng role at nagawa niya na ito sa apat. Sa ngayon, gina-grind ng 26-year-old streamer ang North America ladder bilang support at sa kasalukuyan ay Master 151 LP.
“Sad day, guys, sad day. There was no reason specifically. It was mutual,” sabi ni Tyler1 sa kanyang stream matapos ang anunsyo. (Malungkot na araw, guys. Walang partikular na dahilan. Pareho naming napagkasunduan ‘yon.)
Sa kabila nito, mananatiling T1 si Tyler1 sa puso ng karamihan dahil nga naman iyon ang kanyang pangalan.
Basahin ang orihinal na artikulo ni Jonathan Yee ng ONE Esports.