Pinupuri si Mingyi “Spica” Lu bilang isa sa mga pinakamagagaling na junglers sa League of Legends Championship Series (LCS).

Kailan lang ay naglabas si TSM Spica ng isang Nidalee guide, kung saan tinalakay nya ang mga kayang gawin ng jungle champion sa Rift.


Nidalee runes ni TSM Spica

Itinuturing ni Spica ang Bestial Huntress bilang isang snowball-heavy champion, at gumagamit sya ng Domination bilang primary rune type.

Bagamat nakakatulong ang Electrecute sa pagbigay ng burst damage sa kalaban, mas gusto pa rin ni Spica ang Dark Harvest dahil mas nakakatulong itong mapabilis ang pag-snowball ni Nidalee.

LeagueOfLegends LCS TSM Spica Runes
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Primary Domination runes ni Nidalee

  • Electrocute/Dark Harvest
  • Sudden Impact
  • Eyeball Collection
  • Ravenous Hunter

Para naman sa Sudden Impact, Eyeball Collection, at Ravenous Hunter, sinabi ni Spica na nakakapagbigay sila ng damage at nakakatulong din kay Nidalee sa mga ganks at skirmishes.

Secondary runes ni Nidalee

Sinasamahan ni Spica ang kanyang Domination runes ng mga sets na nakakapagpabilis ng kanyang early game.

Nirerekomenda ng jungles ang paggamit ng Sorcery kung nagpapalakas ka ng damage para sa mga invades at fights, pero mas gusto nya ang Inspiration dahil nagbibigay ito ng movement speed at mas mabilis na ability timer sa Smite at Flash.

Sorcery

  • Transcendence/Absolute Focus
  • Waterwalking

Inspiration

  • Magical Boots
  • Cosmic Insight

Para naman sa stats, gumagamit si Spica ng Attack Speed, Adaptive Force, at alin man sa Armor/Magic Resist depende sa jungle match-up.


Aling abilities ni Nidalee ang dapat unahing i-max out?

LeagueOfLegends LCS TSM Spica Nidalee AbilitiesOrder
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Nirerekomenda ni TSM Spica na kunin ang Aspect of the Cougar ® hangga’t maaari.

Sunod namang i-max out ang Javelin Toss/Takedown (Q) dahil magagamit itong quick combo. Ang on-hit Javelin ay dumadagdag ng damage sa Takedown.

Ang Primal Surge/Swipe (E) naman ang susunod na ability na dapat i-max out dahil napapalawak nito ang mga kayang gawin ng Huntress. Kaya nyang mag-heal sa sarili sa human form, at magbigay ng area-of-effect damage naman sa cougar form.

Nakakatulong ang mga skills na ito na ma-clear ang mga jungle camps nang mas mabilis na hindi nakokompromiso ang health ni Nidalee.

Bushwack/Pounce ang pinakahuli dahil mas nagagamit ito bilang utility kaysa sa damage. Sa Bushwack, maaari kang maglagay ng traps sa lupa para sa vision at pang-reset ng combos, habang ang Pounce naman ay tumutulong kay Nidalee na humabol sa kalaban.


Ang best na item build para kay Nidalee

Mythic items ni Nidalee

LeagueOfLegends LCS TSM Spica Nidalee MythicItems
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Pagdating sa Mythic items, Nagbigay si TSM Spica ng dalawang mapagpipilian: Night Harvester at Everfrost.

Ang Night Harvester ay isang isang damage-heavy item na may unique passive na tinatawag na “Soulrend”. Maaring i-proc ng kanyang Swipe ang bonus AP damage ng passive sa maraming kalaban, kung kaya’t mas malakas sya sa team fights.

Nagustuhan din ng TSM jungler ang Everfrost dahil nagdadagdag iyo ng crowd control sa champion. Sa Everfrost, maaring magamit ang unique ability na “Glaciate”, na nagru-root sa mg champion sa harap nya at nagpapabagal sa mga nasa loob ng cone nito.

Legendary items ni Nidalee

LeagueOfLegends LCS TSM Spica Nidalee LegendaryItems
Screenshot by Joseph Asuncion/ONE Esports

Inuuna ni TSM Spica ang Zhonya’s Hourglass, dahil nakakatulong ito sa survivability ni Nidalee lalo sa mga gipit na sitwasyon. Void Staff naman ang kasunod bilang isang malakas ngunit murang AP item na nagbibigay ng mataas na damage.

Lich Bane ang ikatlong Legendary item sa kanyang listahan, pero sinabi ni Spica na hit-or-miss ito depende sa performance mo in-game.

“You need a lot of the active proc to make it work,” sabi ni Spica. “I would only go with it if I was snowballing as it does increase your damage by quite a bit.”

At tinatapos ni TSM Spica ang kanyang build ng Banshee’s Veil pangontra sa mga AP based champions, at Rabadon’s Deathcap para sa mas mataas na damage.

Mapapanood ang buong Nidalee guide ni TSM Spica sa ibaba: