Inumpisahan ng T1 ang Week 5 sa pagliligpit sa league leaders na Gen.G bago kapusin kontra Nongshim Redforce sa pagpapatuloy ng 2021 LCK Summer Split.
Laban naman sa DWG KIA sa Week 6, magilas ang ipinakitang galawan ng support na si Ryu “Keria” Min-seok gamit ang Thresh para iangat ang kaniyang kupunan sa 2-1 panalo para pataubin ang reigning World champions.
Pinangunahan ng Thresh ni T1 Keria ang sagupaan kontra DWG KIA
Matapos ang nakalulugmok na game 1pagkatalo, binawian ng T1 ang DWG KIA sa isang mainit na 47-minutong game 2 para itabla ang serye.
Sa game 3, unang sinelyo ng T1 ang Viego matapos piliing hindi i-ban ang champion ng world champions, na sinundan naman ng Aphelios na tipikal na ipinaparis sa support champion na Thresh. Itinuturing ito bilang isa sa pinakamagandang tambalan ng mga pro player ngayon.
Gayunpaman, dalawang ulit pa lamang nagagamit ang Thresh ni T1 Keria sa 2021 LCK Summer Split ngunit bigo si Keria na makakuha ng panalo gamit ang champion.
Matindi ang nakataya sa game 3 at sa pagkakataong ito, hindi binigo ni Keria ang kaniyang kupunan.
Sa pag-uumpisa ng game three, binuksan ng support ang dominante niyang pagpapakita sa isang Death Sentence sa Lulu ni Cho “BeryL” Geon-hee at itinulak ang minion wave.Mabilis na dumating ang sumunod na target ng T1 kung saan outplayed sa 1v1 ang Jayce ni Kim “Khan” Dong-ha sa Viego ni Kim “Canna” Chang-dong.
Panay ang push ng wave sa bot nina Keria at ng kaniyang AD carry na si Lee “Gumayusi” Min-hyeong. Hindi lumampas ang tatlong minute at may nabiktima nanaman ang Thresh ni T1 Keria sa perpektong double flay.
Pumosisyon ang support player sa likod ng Lulu para makalusot ng isang hook papunta sa Kog’Maw ni Jang “Ghost” Yong-jun para matala ang double kill.
Sa mid game naman, pinalaki lalo ng T1 ang kanilang kalamangan sa gold na umabot ng 4,000, at sa kill record sa 10-2. Sa sampung kills na nakuha ng T1, apat ang naitala ng Thresh ni Keria. Sinakyan nila ang momentum na ito para isarado ang serye sa 2-1.
Ni-rush ni Keria ang Force of Nature at ginamit ang Predator rune
Hindi kagulat-gulat na si Keria ang hinirang na Player of the Game (POG), ang kaniyang unang MVP award sa season na ito. Sa kaniyang post-game broadcast interview, nabigyan ng pokus ang paggamit niya sa unique na runes.
“I actually didn’t like Predator, I’ve only used it once or twice in my entire career and solo queue. But last night I watched Nongshim RedForce’s Kellin, and I copied it, to be honest, because I thought it was pretty good,” banggit ni Keria.
Dagdag niya, magandang keystone rune ang Predator kontra sa mga support mages.
Thresh ni T1 Keria kontra sa DWG KIA bot lane na may Kog’Maw at Lulu
Sa harap ng DWG KIA, ginamit ng T1 support ang primary Domination at secondary Resolve runes:
- Predator
- Cheap Shot
- Zombie Ward
- Relentless Hunter
- Second Wind
- Overgrowth
- Adaptive Force
- Magic Resist
Dapat ding mapansin na sa usapan naman ng items, hindi siya bumili ng Mythic item na Locket of the Iron Solari katulad ng tipikal na ginagawa ng mga Thresh supports. Sa halip, ginamit niya ang gold na nakuha niya sa mga early kills para mai-rush ang Legendary tank item na Foce of Nature.
Hindi lamang additional 350 health at 60 magic resist ang naibibigay ng Force of Nature, may karagdagang 5% bonus movement speed din ito. Kasabay ng mga ito, ang passive ng item na Absorb ay nagkakalaob ng stacked bonus movement speed at resistance habang kumukuha ng damage ang champion.
Kasabay ng Predator at Mobility Boots, ang Thresh ni T1 Keria ay naging epektibo pag-ikot sa mapa at paggalugad ng susunod na champion na mapipitas.
Dahil sa husay ng Thresh ni T1 Keria, pinuri ng content creator at analyst na si Nick “LS” De Cesare ang 18-taong gulang na support. “Probably had one of the best Thresh performances this game that I can ever recall watching in recent years,” sabi ni LS sa Twitter.
Ngayong may 7-5 record na ang T1, pang-apat ang kupunan sa the 2021 LCK Summer Split standings at haharapin ang Afreeca Freecs sa Week 7 ngayong July 22 na mapapanood ng live sa Twitch.