Simula pa noong isang taon, nababanggit na ng Sentinels Valorant superstar na si Tyson “TenZ” Ngo ang kanyang lola sa kanyang mga Twitch streams kung saan ikinukwento nya ang tugkol sa paglalaro nito ng League of Legends.

Ang kanyang lola ay naglalaro ng Leaague of Legends sa North American server.Ang tangi nyang nialalro ay All Random All mid (ARAM), at nakaka-10,000 oras na sya sa game.

Lola ni TenZ level 1,000 na sa League of Legends at narito ang patunay

LeagueOfLegends TenZ Grandma Level 1000 NAaccount
Credit: TenZ on Twitter

Nakaabot ng 600 ang lola ni TenZ noong isang taon. Kamakailan lamang ay umabot sya ng 1,000, at para ipagdiwang ang achievement na ito ay nag-post sya ng screenshot sa Twitter.

Tulad ng Valorant at Wild Rift, sinusukat ng Riot Games ang iyong account, ito’y tumataas kahit anong game mode pa ang laruin mo. Wala itong kinalaman sa rank, imbis ay isang repleksyon kung gaano katagal ang iyong playtime.

Bawat game na nilalaro sa League of Legends ay nagbibigay ng experience at nagpapa-level up ng iyong account, at ginagantimpalaan ang mga players ng bagong border sa bawat level.

LeagueOfLegends TenZ Grandma FeatherThorn OPGG
Screenshot by Amanda Tan/ONE Esports

Ang IGN ng kanyang lola sa NA ay “FeatherThorn”. Base sa stats sa OP.GG, nakapaglaro na sya gamit ang 89 champions sa ARAM, karamihan dito ay mga AD carry tulad nina Quinn, Xayah, Draven, at Graves.

Mukhang mahusay rin syang gumamit ng mga mages,dahil meron syang 6.4 KDA at 68% win rate kay Vel’Koz, at 78% win rate kay Velgar, dalawa sa pinakamalalakas na champions sa game mode na ito.

Mukhang may pinagmanahan si TenZ pagdating sa gaming.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.