Tampok sa Week 4 ng 2021 LCK Summer season ng League of Legends ang bakbakan na tinaguriang “Telecom War” sa pagitan T1 at KT Rolster.

Sinubukan ng dalawang kupunan na maghabol ngayong season ngunit hirap ang KT Rolster harapin ang mga matitikas na teams kahit pa tinalo nila ang Spring champions na DWG KIA sa unang linggo ng torneyo.

Sa panig naman ng T1, nasa gitna lamang ng standings ang roster na pinangungunahan ni , Lee “Faker” Sang-hyeok na may 3-3 record.


Ezreal ni Teddy, susi sa T1 game one panalo

Credit: LCK at Riot Games

Bida sa unang sultada ng Telecom War ang poke-heavy composition ng T1.

Kahit pa taob ang Twisted Fate ni Faker sa all-out tower dive ng KT Rolster, ibinawi naman siya nina Ryu “Keria” Min-seok’s gamit ang Karma, Kim “Canna” Chang-dong gamit ang kaniyang Jayce at Park “Teddy” Jin-seong na hawak ang kaniyang Ezreal.

Pagkatapos tumama ang Equalizer ni Moon “Cuzz” Woo-chan gamit ang kaniyang Rumble para pabagalin ang pag-atras ng KT, punit sila sa pokes na inilatag ng trio na ito.

Ipinagpatuloy ni Teddy ang paghabol gamit ang Arcane Shift papunta sa jungle kung saan sabog sa kaniya ang Volibear ni Kang “Blank” Sun-gu.

Sa late game naman, tuluyang gumuho ang pag-asa ng KT ng mamataan sila ng T1 malapit sa Baron kung saan pinitas ni Teddy ang Senna ni Oh “Noah” Hyeon-taek’s at Akali ni Kim “Dove” Jae-yeon. Dinagdagan ni Faker ang listahan ng binigyan niya ng Destiny at Gold Card ang Lux ni Lee “Harp” Ji-yoong.

Rekta Nexus ang T1 matapos ang pamatay na clash na ito kung saan nakakuha pa nga sila ng ace.


Pinatunayan ni Faker at Canna na sila ang pinakamagaling na playmakers sa LCK

Nagmistulang bangungot para sa T1 ang deciding game matapos itabla ng KT Rolster ang serye. Gayunpaman, naging susi ang Demon King sa isang clash sa Baron para maibalik ng kupunan ni Faker ang momentum sa kanilang panig.

Kahit pa kulang ng isa, matapang ang apat na miyembro ng T1 na nanggulo sa Baron gamit ang Solar Flare at Crescent Guard combo kung saan napitas ng Wukong ni Canna ang Lucian ni Dove bilang primera. Triple kill kay Faker gamit ang Karma ang mga miyembro ng KT, na isinelyo pa ang Baron para sa kaniyang team.

Sa huling clash ng serye, wasak kay Canna ang Varus ni Noah na sumulpot sa backline gamit ang kaniyang clones.  Nakakatakot din ang Xin Zhao ni Cuzz na nag-solo killa kay Dove at tumulong para patumbahin ang Rumble ni Blank.

Dahil dalawa nalang ang naiwan para dumepensa, hindi napigilan ng KT na basagin ng T1 ang kanilang base para iselyo ang unang panalo sa Telecom War sa Summer Season.

Sa panalong ito, umangat sa 4-3 ang record ng T1. Panoorin ng live ang Summer season action sa official LCK Twitch at YouTube channels.