Tagumpay ang host country na Vietnam sa paglikom ng pinakamaraming gintong medalya sa esports category ng 31st Southeast Asian Games.
Nakatuon ang lahat ng atensyon sa national esports team ng bansa, partikular na sa kanilang kinatawan sa larong League of Legends, ang GAM Esports, na tinalo ang Pilipinas at Singapore sa nasabing kategorya.
Pero sa likod ng matamis nilang tagumpay ay ang mga hindi natupad na expectations para sa star player nilang si Đỗ Duy “Levi” Khánh at mga kakampi.
Kinikilala sila bilang ang pinakamalakas na League of Legends team sa Vietnam matapos pangibabawan ang regular season standings at maging back-to-back champions ng VCS Spring noong 2021 at 2022. Gayunpaman, hindi sila nakasali sa ano mang international tournament, gaya na lang ng dalawang Mid-Season Invitational tournaments at dalawa ring World Championships, dahil sa patuloy na banta ng COVID-19.
Pero nang muling magpresenta ang pagkakataon na muling makalaban sa una nilang global event, inanunsyo ng koponan na hindi sila dadalo. Mas pinili kasi nilang maging kinatawan ng kanilang bansa sa 31st SEA Games at kunin ang gold medal.
Ang pamamayagpag ng Vietnam
Hindi na bago ang pagpapakitang-gilas ng Vietnam sa gaming community. Noong Worlds 2017, matatandaan kung paano pinamangha ng Gigabyte Marines (na ngayo’y GAM Esports) ang mga League of Legends fans para maitatag ang Vietnamese region sa international spotlight.
Hindi rin nabubuwag sa top six ang mga VCS representatives sa mga global tournaments noong mga nakaraang taon sa MSI. Nabikta na nila ang mga tanyag na koponan gaya ng G2 Esports, TSM, at DWG KIA.
Binansagan pa nga ng Vietnamese League of Legends community si Marcin “Jankos” Jankowski, ang jungler ng G2, na “Giang Văn Cốt”. Kinikilala siya bilang ang unofficial sixth man ng Phong Vũ Buffalo (na kalauna’y ni-rename bilang Saigon Buffalo), dahil sa kanyang mga misplay noong Worlds 2018 Group Stage.
Ngayong 2022, binitbit ng Saigon Buffalo Esports ang bandera ng Vietnam sa MSI. Sa Busan, South Korea, nakaharap ni Lâm “Hasmed” Huỳnh Gia Huy si Choi “Zeus” Woo-je, at dinurog ng Shogun-Taki duo at Gumayusi-Keria tandem sa unang minuto ng kanilang laban.
Samantala, naiwan naman sa Vietnam ang GAM Esports para muling irepresenta ang kanilang bansa sa SEA Games.
Ang pagkakatatag ng VCS
Tatlong araw lang ginanap ang League of Legends event sa SEA Games pero mahaba ang naging paghahanda ng GAM Esports.
Simula pa noong 2012, noong sa ilalim pa ng Garena Premier League (GPL) sumasabak ang Vietnam kasama ang Thailand at Singapore, wala nang tigil ang rehiyon sa paghanap ng pagkakataong makaharap ang mga pinakamalalakas na League of Legends teams.
Pinangibabawan nila ang SEA region matapos hirangin bilang seven-time champions sa regular season ng nasabing Garena League.
Nang itatag na ng Riot Games ang Vietnam Championship Series (VCS) noong 2018, nabigyan nito ang mga Vietnamese teams ng direktang daan patungo sa international events nang hindi na kailangang dumaan sa GPL. Sa kabila nito, patuloy pa rin ang pag-improve ng mga koponan, dahilan para makapag-iwan sila ng marka sa ibang liga.
Hindi nag-iba ngayong 2022 ang kasong ito. Tagumpay ang League of Legends team ng Vietnam sa 31st SEA Games, isang matibay na patunay na kayang-kaya nilang maging independent region sa eksena.
Hindi natalo kahit isang mapa ang koponan sa kahabaan ng palaro. Matapos walisin ang buong Group Stage at Knockout Stage, nakamit nila ang gintong medalya matapos ang 3-0 tagumpay kontra SIBOL sa best-of-five grand final.
Para sa Vietnam
Makasaysayan ang pagkapanalo ng GAM Esports sa SEA Games, isang karangalan ilang League of Legends players lang ang makakakamit. Hindi biro ang mag-alay ng oras para maging mahusay sa laro, kaya para sa mga tagasubaybay ng VCS, tiyak na nakaka-proud makita ang kanilang national team na kilalanin ng buong rehiyon.
Ang mga global competitions gaya ng SEA Games ay hindi na lang basta pagkakataon na makalikom ng pera o makakuha ng sponsor at investor para sa koponan. Nakatatak na ang esports sa kamalayaan ng karamihan, lalo na ngayong itinataya na rin ng mga manlalaro ang dangal ng kani-kanilang bayan.
At dahil sa walang humpay na pagsisikap ng GAM Esports, kinikilala na sila ngayon bilang bayani ng mga gamers sa kanilang nayon.
Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.
Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda ni Phuong Thao.
BASAHIN: Listahan ng mga League of Legends MSI winners sa mga nakalipas na taon