Tampok sa League of Legends Mid-Season Invitational (MSI 2022) ang dikit na championship final sa pagitan ng T1 mula LCK at Royal Never Give Up ng LPL.

Kahit nagawang itabla ng T1 ang best-of-five na serye sa iskor na 2-2, naglabas ng kwestiyonableng draft ang kinatawan ng LCK sa huling mapa. Natalo na kasi ang parehong matchup noong unang game, kung saan binalik ang Jayce ng top laner nilang si Choi “Zeus” Woo-je kontra sa Gwen ni Chen “Bin” Ze-Bin. Bukod pa dito, imbis na pumili ng engage support ang T1, nag-last pick Yuumi ang koponan.

Sa kabila ng kumpiyansa sa kanilang draft, bigo ang T1 sa huling mapa ng serye. Marami ang bumatikos sa nasabing desisyon, at may ilan pang idinidiin ang sisi sa coaching staff ng koponan. Nagkumento rin ang LoL personality at dating T1 streamer na si Nick “LS” De Cesare gamit ang isang tweet, kung saan tinawag niyang “strategically impaired” ang LCK team, na umaasa sa “arbitrary draft wins” at “mechanical outplays” para makapanalo ng best-of-five na serye.

Sa kabila ng mga pagbabatikos, dinepensahan naman ni T1 CEO Joe Marsh ang kanilang mga coach at ibinahagi rin ang estado ng koponan matapos ang MSI.

T1 CEO Joe Marsh, ipinaliwanag ang draft decision at team dynamics

Imbis na ipasa ang sisi sa coin flip, ping, o draft, iginiit ni Marash na kaya natalo ang T1 sa MSI ay dahil “better team” ang RNG noong grand final. Kahit pa nakapanlulumo ang kanilang pagkatalo, nagawa pa ring balikan ng CEO ang kanilang performance sa MSI at kumustahin ang lagay ng kanyang koponan.

Ipinaliwanag niya rin kung paano gumawa ng desisyon ang T1 tuwing may turneo, lalo na’t napagbubuntungan ng galit ng LoL community ang mga coach nilang sina Choi “Polt” Seong-hun at Kim “moment” Ji-hwan.

“We do things as a collective unit, especially during games. That includes pick/ban and drafting. All voices are heard,” ani Marsh.

Naniniwala pa rin ang T1 CEO na sina Polt at moment pa rin ang tamang coaches para sa kanilang LoL team, at pinaalalahanan din ang kanilang fans kung paano naging parte ang dalawang ito sa perpektong kampanya nila sa LCK 2022 Spring noong mga nakalipas na buwan.

Pagtakbo sa dagat ang pinakahuling team activity ng T1

Tinuldukan ng T1 CEO at ng buong koponan ang kanilang MSI experiences gamit ang munting salo-salo kasama ang kani-kanilang mga pamilya.

Bagamat hindi nakuha ng koponan ang resultang nais nila, nakikita ito ni Marsh bilang oportunidad para matuto at mas makapaghanda hindi lang para sa LCK Summer Split, kung hindi maging sa paparating na World Championship.

Naging sentimental din ang T1 CEO sa kanyang Twitter thread, matapos magbahagi ng litrato ng koponan na tumatakbo sa may dagat para iselyo ang kanilang kapatiran.

“This team truly loves each other on and off the Rift. We will come back stronger,” pangako ng T1 CEO.

'Di raw kasalanan ng coach ang draft ani T1 CEO; LoL team nag dagat matapos ang MSI 2022
Credit: Joe Marsh

Para sa karagdagang balita sa esports, at guides sa mga paborito niyong laro, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ito ay pagsasalin sa Filipino mula sa orihinal na akda na matatagpuan dito.

BASAHIN: Shutterbug alert! Faker ipinakita ang hilig sa photography sa MSI 2022