Masasabi mo talagang “the fanfare ascends” dito sa bagong Nendoroid Sona figure mula sa Riot Games at Good Smile Company.
Kilatisin ang League of Legends Sona figure
Ipinapakita ng Good Smile Company ang isa sa mga pinakaunang support champions ng League of Legends at performer ng Demacia, si Sona, sa kanyang default skin.
Ang Nendoroid Sona ay kumpleto kasama ang kanyang iconic na blue robes, buhok na naka-twin tails, at ang kanyang sandatang, Etwahl.
Ang Nendoroid Sona ay may kasama ring tatlong interchangeable faceplates kasama ang smiling expression, combat expression, at ang kanyang flustered look na merong pagkakahawig sa sikat na Japanese teal-haired character na si Hatsune Miku.
Ito na marahil ang unang pagkakataong makikita natin ang tahimik at misteryosong si Sona na magpakita ng maraming emosyon!
Katulad ni Kai’Sa, kaya ring gayahin ni Nendoroid Sona ang in-game abilities ng support champion.
Ang Nendoroid Sona ay may kasamang maliliit at makukulay na display pieces para ipakita sya in action. Pagsamahin ang blue pieces para umatake gamit ang Hymn of Valor, ang green naman ay para sa Aria of Perseverance, ang magenta bits ay para sa speed boost mula sa Song of Celerity, at ang gold piece ay para sa ultimate ni Sona na Crescendo.
Ang Nendoroid Sona ay ang pang-anim na figure sa League of Legends collection kasunod ng Nendoroid Kai’Sa. Narito ang listahan ng mga Nendoroid numbers para sa mga collectors dyan:
- 411 – Nendoroid Ahri
- 635 – Nendoroid Ezreal
- 1458 – Nendoroid Lux
- 1535 – Nendoroid Jinx
- 1606 – Nendoroid Kai’Sa
- 1651 – Nendoroid Sona
Release date at presyo ng nendoroid Sona
Ang Nendoroid Sona ay available na para sa preorder at mari-release sa susunod na taon, January 2022. Ang official League of Legends figure na ito ay mas mahal ng konti kaysa sa unang LoL release sa presyong US$75
Mabibili ang Nendoroid Sona sa GoodSmile’s Online Shop o sa kanilang mga international partners.