In-announce na ng League of Legends team na FlyQuest ang ang huling initiative at merch collection nila ngayong 2021 na “SunsetQuest”.
Kung matitingkad na kulay at sunbeams ang naging disensyo ng nauna nilang SunnyQuest collection, retro vibes naman ang hatid ng SunsetQuest.
Throwback sa 80s aesthetic ang bagong FlyQuest merch collection
Bagong pormahan ang naghihintay para sa fans at players ng FlyQuest dahil tampok sa merch collection ang iba’t-ibang shades ng purple at orange.
Makikita sa jersey ang FLY logo sa likod ng neon sunset, na sinamahan din ng kalmadong alon at palm trees. Pwede rin lagyan ng custom magenta gamer tag ang likod ng jersey para sa kumpletong 80s vibe.
Meron ding mga tank top, t-shirt, at player jacket ang nasabing collection, bukod pa sa hat at shorts.
Ang SunsetQuest at ang SunnyQuest initiative
Kasabay ng bagong merch collection, itutuloy din ng SunsetQuest ang SunnyQuest contribution sa American Solar Energy Society (ASES). Sa ngayon, nakalikom na ang organisasyon ng US$7,268 para sa ASES.
Ang kaibahan lang ngayon, dodoblihin na ng koponan ang kanilang donation sa bawat task na makukumpleto sa loob ng Summoner’s Rift:
- US$2 kada kill ng FLY players sa Academy games
- US$20 kada Ocean Drake na makukuha ng kahit anong team
- US$200 kada panalo mula sa FLY Academy
Dahil papalapit na ang 2021 Academy playoffs at Proving Grounds, nag-pledge din ang organisasyon ng karagdagang US$2,500 sa ASES sa bawat championship win.
Makikita ang SunsetQuest collection dito.