Nagbabalik ang ONE Esports Fantasy para sa kabuuan ng League of Legends Mid-Season Invitational.
Patunayan na isa ka sa mga pinakamagaling na Fantasy experts at Manalo ng premium JBL gaming gear.
Paano maglaro ng ONE Esports Fantasy
Sa buong tournament, pwede kang tumaya ng coins sa magiging resulta ng bawat match.
Mas maraming coins ang itataya, mas marami rin ang mapapanalunan pag nanalo ang team mo.
Pero pumili ng mabuti dahil pag na-lock in mo na ang iyong pick, hindi mo na ‘to pwedeng palitan.
Paano makakuha ng coins
May tatlong paraan para makakuha ng coins:
Manalo sa games – mananalo ka ng coins pag nanalo ang napili mong team. Mas marami ang makukuhang coins pag tumaya ka sa underdog (mas maraming players ang pumipili sa kabilang team).
Daily login – makakakuha ka ng coins sa bawat araw na mag-login ka. Sa unang araw ng pag-login, makakatanggap ka ng 1,000 coins. Makakatanggap ka ng bonus coins kung magla-login ka sa magkakasunod na araw – 2,500 para sa ikalawang araw, 4,000 para sa ikatlong araw, 6,500 para sa ikaapat na araw, at 10,000 para sa ikalimang sunod na araw.
Mag-refer ng kaibigan – makakatanggap ka ng 10,000 coins pag may gumamit ng iyong referral code sa pag-sign up para sa ONE Esports Fantasy.
Pagkatapos ng tournament, ang mga players na mayn pinakamaraming naipong coins sa pagtaya sa mga games na nanalo ang makakakuha ng premium JBL gaming gear (hindi isinasama sa bilang sa leaderboards ang mga coins na nakuha mula sa logins/referrals).
1st place: JBL Quantum Duo Speakers + JBL Quantum 800 Headset
2nd and 3rd place: JBL Quantum 800 Headset
Maraming salamat sa JBL sa pag-sponsor ng mga prizes para sa tournament na ‘to!