Noong June, pumirma ang Riot Games ng bagong partnership kasama ang Xbox Game Pass, na nagbibigay ng mga freebies at benefits sa mga Game Pass subscribers na naglalaro ng Riot titles.

Sa wakas ay nagbubunga na rin ang partnership na ito. Simula noong December 12, ang mga subscribers ay maaari nang mag-unlock ng mga benefits para sa mga games tulad ng League of Legends, Valorant, Wild Rift, Teamfight Tactics, at Legends of Runeterra.

Ngunit walang duda na ang pinakamalaking highlight ay ang access sa lahat nang Valorant agents at mga champions sa League of Legends at Wild Rift.

Kung ikaw ay isang Game Pass subscriber, walang dahilan kung bakit hindi mo ili-link ang iyong Riot at Game Pass accounts. Madali lang gawin ito.

Paano i-link ang iyong Riot Games at Xbox Game Pass accounts para ma-unlock ang lahat nang Valorant agents at LoL champions

Valorant Day One agents Xbox Game Pass
Credit: Riot Games
  1. Magpunta sa Xbox Social sign-in page at i-allow ang Riot na i-access ang iyong Xbox account.
  2. Mag-sign in gamit ang iyong Xbox profile at Riot account upang makumpleto ang linking process.

Kung hindi ka Game Pass member, pwede kang mag-sign up dito. Ang mga first-time na sign-ups ay makukuha ang kanilang unang buwan sa halagang US$1, pagkatapos nito ay magiging US$9.99 kada buwan para sa PC subscription at US$14.99 kada buwan naman para sa Ultimate pass.

Bukod sa access sa lahat nang agents at champions, meron ding dagdag na benefits na available, tulad ng XP boosts.

Valorant

  • Lahat nang kasalukuyang agents
  • Access sa bawat bagong agent sa oras na ma-release ito
  • 20% match XP boost na ibinibigay sa Battle Pass, Event Pass, at active Agent Contract progress

League of Legends

  • Lahat nang 160+ champions
  • Access sa bawat bagong champion sa oras na ma-release ito
  • 20% XP boost

Legends of Runeterra

  • Lahat nang cards sa Foundation Set

Teamfight Tactics

  • 1-star Rare Little Legend Tacticians
  • 4 Arena Skins na available hanggang April 2023, at 1 Arena Skin na magkakaroon ng monthly rotation

League of Legends: Wild Rift

  • Lahat nang 80+ champions
  • Day-one access sa bawat bagong champion sa oras na ma-release ito
  • 20% XP boost

Dagdag pa dito, ang mga subscribers na ili-link ang kanilang mga accounts bago mag January 1, 2023 ay makakatanggap ng mga sumusunod na bonus rewards:

  • Valorant — Pocket Sage Buddy
  • League of Legends — Masterwork Chest and Key
  • Teamfight Tactics — Little Legend Rare Egg
  • Wild Rift — Random Emote Chest
  • Legends of Runeterra — Prismatic Chest

Gayunpaman, pag nag-unsubscribe ka sa Game Pass ay mawawalan ka ng access sa mga agents at champions na hindi mo pa pagmamay-ari.

Para sa iba pang balita tungkol sa gaming at esports, i-like at i-follow ang ONE Esports Philippines sa Facebook.

Ang kathang ito ay isang pagsasalin mula sa orihinal na akda.